Tulang Malaya

Ang tulang  kumawala

sa bartolina ng tugma at sukat

ay tulang:

M   a   l   a   y   a

ang sintensya ng sesura ay wala nang bisa

sapakat umiskapo na ang mga salita.

Marami ang umuusig-

sapagkat mga takot  sa paglaya

ng radikal na pag-iisip.

Ngunit ngayon ay hind na mapipigil

ang mga salita’y nagkapakpak at nagkapangil-

sumisigaw, nagpapalahaw-

sa walang kasing tunog na ingay

sumasaliw-

umiindayog mag-isa.

Latest posts by Dri Ilustre

Share and enjoy...

If you enjoyed and liked this post, LIKE it on your Facebook. Consider also leaving a comment below to share your thoughts with others.
avatar About Dri Ilustre

Fatal error: Uncaught Exception: 12: REST API is deprecated for versions v2.1 and higher (12) thrown in /home/emanpoet/public_html/writersgroup/wp-content/plugins/seo-facebook-comments/facebook/base_facebook.php on line 1273