Tula ng Pagibig

Kayo ang tula ng buhay ko

Alaala sa karimlan

Habang ang siyudad ay umaatungal sa bagyo

Kayo ang kaibigan ng mundo

Sumasagupa sa unos

At pinaaamo ito

Sa paglalakbay sa pangungulila

Kayo ang payapang pampang

Ng buhay kong lunday

Sa kulimlim ng dapithapon

Dasal ay pangako

Hinding hindi malilimot

Kailanman.

Share and enjoy...

If you enjoyed and liked this post, LIKE it on your Facebook. Consider also leaving a comment below to share your thoughts with others.
avatar About alejandrogarcia

kahit anong gawin ko hindi ko kayang takasan ang pagsusulat, paglikha ng awit, pagguhit, at lahat ng pagmamahal anumang sakit ang iginuguhit nito sa puso.

Comments

  1. avatar Noel Reyes says:

    alejandrogarcia

    Tula ng Pag-ibig

    Ang tula ay pag-ibig
    Ang pag-ibig ay tula

    Sa anumang situwasyon sa ating buhay:
    karimlan, unos, pangungulila, suksok ng haring araw sa kanluran, dapithapon ng buhay -
    Pag-ibig ang susi upang mabuksan ang pintuan ng kapanatagan at kapayapaan na madama ng isang tao.
    Salamat Alejandro sa iyong makabuluhang Tula ng Pag-ibig.

    Noel Reyes
    Luanda City, Angola

  2. avatar Eden Ampuan says:

    hahahaa

Speak Your Mind