Tipanan

Rima at anyo sa imahinasyon lang matutunghayan

Hatid ay aliw sa pusong may alinsangan

Kasiyahan ay labis sa tuwing nararamdaman

Mga sandaling mundo’y may titik-tilamsik ng panitikan

 

Sa bawat sandaling isip dito’y magtampisaw

Nabubura, naglalaho mumunti mang agam-agam

Kaya araw man o gabi ay lumulusong mula pampang

Sa iyong lalim na sa akin ay ligayang walang param

 

Kapag diwa’y ulayaw na ang kastilyo sa iyong hardin

Dimensyon ko’y lumalawak lumiliit aking dimdim

Dalamhati’y  napapawi a tuwang mongmandi’y lambing

Nagbibihis sa’king lungkot ng buong ayang hangarin

 

Kaya sonata’y may indayog at lirikong parirala

Panahon na kapiling ka’y iniingatang mawala

Pasasalamat hindi lang dinuduyan nyaring puso

Kundi dasal ay mahimbing sa piling nang walang laho

 

Ito kaipala ang sanhi kung bakit ang ala-ala

At pangarap ay may tipanan tuwina

Ang saysay ng aking mundo akin lamang nakikita

Sa mga oras na kayong mga irog ay kasama.

 

 

Latest posts by Catherine Agunat

Share and enjoy...

If you enjoyed and liked this post, LIKE it on your Facebook. Consider also leaving a comment below to share your thoughts with others.
avatar About Catherine Agunat

The eldest child of Mr & Mrs, Luvimin Pimentero Agunat. Born last October 26, 1981 at Suyo, Ilocos Sur and currently working abroad.

Comments

  1. avatar Elisha Tantonco says:

    ^_^

  2. avatar Elisha Tantonco says:

    nice one ms. soldier of fortune

Speak Your Mind