Telenobela

Ang eleksyon ay parang isang napakahabang telenobela; hindi matapos-tapos ang mga paulit-ulit na eksena. Pare-pareho ang apelyido ng mga gumaganap na kahit ang sama-sama na ng imahen ay hindi mamatay-matay. Walang mga “twist” at madaling mahulaan ang mga sumusunod na kabanata – walang katapusan ang walang saysay na sampalan, ang pagnanakaw, ang paglulustay, ang panliligaw, ang huwad na luha at halakhak ng paghihiganti. Sa kabuuan, papangit nang papangit ang iskrip habang lumalaon. Ang siste, hindi ko naman mailipat ang pihitan sapagkat isang lang ang istasyon.

Latest posts by Franco Coralde Sangreo

Share and enjoy...

If you enjoyed and liked this post, LIKE it on your Facebook. Consider also leaving a comment below to share your thoughts with others.
avatar About Franco Coralde Sangreo

May natatanging asawa at tatlong anak; Full Blooded Albayano at sa Baybay, Tiwi, Albay nagbinatilyo. Ngayon ay nagtatrabaho sa isang imprenta bilang Graphic Artist(ahin) at Prepress Supervisor.

Sa dyip ako mas madalas na sumulat at libangan kong bihisan ng tula ang mga larawang kuha.

Comments

  1. avatar Abraham de la Torre says:

    Noy, muntik nang sumakit ang tawa ko sa katitiyan. Lintian! Apt and brilliant commentary on the recently-concluded national comedy. I maybe apolitical but did not fail to notice – and appreciate – your deep-seated disgust. More!

  2. ahaha…noy sensya na, ngayon lang uli nakadalaw. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa ganitong klaseng pagsulat, satire ba ito o nag aalaska lang talaga ako…aheheh! Tama yung huli mong sinabi…deep seated disgust. Matagal na rin kasi akong botante kaya alam ko nang isang malaking katatawanan na naman ang mangyayari…ahehe!

    Dito na lang ako nakakabawi!

    Mabalos

Speak Your Mind