Tek (Anghel na Halimaw)

Bagay na mahiwaga,
merong dalawang mukha,
katawan ay galamay
punong-puno ng dila.

T’wing pumapaimbulog,
nagkukubli sa tunog,
hawak-hawak mo siya
pero alipin ka nya.

Unawa ay ninanakaw,
pandama ang balaraw,
sangkap ng araw-araw,
anghel ngunit halimaw.

Latest posts by Franco Coralde Sangreo

Share and enjoy...

If you enjoyed and liked this post, LIKE it on your Facebook. Consider also leaving a comment below to share your thoughts with others.
avatar About Franco Coralde Sangreo

May natatanging asawa at tatlong anak; Full Blooded Albayano at sa Baybay, Tiwi, Albay nagbinatilyo. Ngayon ay nagtatrabaho sa isang imprenta bilang Graphic Artist(ahin) at Prepress Supervisor.

Sa dyip ako mas madalas na sumulat at libangan kong bihisan ng tula ang mga larawang kuha.

Speak Your Mind