Tama Ba Na Mali, Mali Ba Na Bawal
Sa aking isipan
laging katanungan,
Sa pinapayagan
may tama ba’t bawal.
Sana kasagutan
ako ay mabigyan,
Sa pangangatwiran
walang papanigan.
Aking saloobin
basahin at dinggin,
Kung bigyan ng pansin
inyo’ng unawain.
Ano man’g sabihin
hindi pipigilin,
Akin din na hiling
huwag sisisihin…..
Baka kung gumamit
mayro’ng ipagkait,
Sa buhay at pintig
na magiging paslit.
Bunga ng pag-ibig
kung sadyang piniit,
Parusa ng Langit
tama ba’ng makamit.
Tama raw magmahal
sa bilang na araw,
Ang pinapayagan
hindi mabubuhay.
Tiyak mamatay
ang pinabayaan,
Baka kasalanan
ito’y mali naman.
Aking katanungan
kung sadyang mababaw,
Basahin na lamang
agad kalimutan.
Ayokong masaktan
damdamin nino man,
Ang pagmamahalan
hangad ko na tunay.
… DcD/dodie
Latest posts by danilo diaz- Sad Love - 26th July 2010
- Just Bear In Mind - 23rd July 2010
- Iba'ng Ganda - 20th July 2010
- Basyang - 20th July 2010
- Missing You - 12th July 2010

