A new Rizaliana website is born

A group of Filipino Australian community radio broadcasters, announcers, technicians and producers in Sydney has recently put together five segments of radio dramas [Read more…]

Short Script: Si Rizal At ang Kabataan

Characters: Rizal at isang kabataan (lalaki)
Isang hapon ng magsalamin pagkatapos mag ayos ng sarili ang isang college student na papasok pa lamang sa eskwelahan, nagulat siya sa repleksyon na kanyang nakita. Pamilyar na pamilyar ang mukha, naka itim na pantalon, puling panloob at itim na coat. Ang kanyang buhok ay kulot at medyo maliit ang kanyang height.

(magkaharap si Rizal at ang “Kabataan” na tila sila ay nagsasalamin sa isa’t-isa)
Kabataan: Rizal?

Rizal: Oo, bakit parang gulat na gulat kang makita ako?

Kabataan: Ha? (kay Rizal) Hindi ako makapaniwala (sa sarili). Ikaw ba talaga yan?

Rizal: Imulat mo ang iyong mata iho, ako ito. Ikaw ba ay isang kabataan ng bagong
henerasyon? Napansin kong habang tumatagal ay nag iiba na ang mga itsura ninyo. Noong dati ay minsan din akong sumilip muli sa salamin at nakita ang isang kabataan katulad mo, ngunit hindi niya ako pinansin, akala niya ay nananaginip lamang siya.

Kabataan: Siguro ay nananaginip lamang ako. Pero.. ang alam ko kakagising ko lang. Nababasa lamang kita sa mga libro at naririnig sa professor ko, hindi ko akalain na Makita kita sa totoong buhay, ng dalawa kong mata.

Rizal: Nakakalungkot at doon niyo lamang ako nakikita. Hindi mo ba ako totoong nakikita sa sandaling ito?

Kabataan: Hindi.. Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo. Bakit ka pa nandito?

Rizal: Ang lahat ng bagay ay may dahilan. Nakikita mo ako ngayon dahil mayroong dahilan.

Kabataan: Ano ito? Sabihin mo sa akin. Naguguluhan ako dahil bigla ka na lang nagpakita.. at ikaw si Rizal.. ang pambansang…

Rizal: Ikaw? Alam mo ba ang dahilan? Alam mo ba kung bakit ka nabubuhay ngayon sa mundo? Alam mo ba kung bakit sa Pilipinas ka ipinanganak?

Kabataan: Nabuhay ako at nabubuhay dito para tupadin ang mga pangarap ko, para magkaroon ng komportable at magandang buhay, katulad nina mommy at daddy.

Rizal: Yun lang? wala ng iba?

Kabataan: Ano pa ba? Wala na akong maisip. Teka, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.

Rizal: Yan ang hirap sa inyong mga kabataan, mulat na ang inyong mga mata, ngunit pinili niyo pa ding Makita ang mga maling bagay. Oo nga at tama din ang inyong mga magulang, ngunit hanggang doon na nga lamang ba? Kinalimutan niyo na ang sinabi ko. Kinalimutan niyo na ako.

Kabataan: Hindi ka namin kinakalimutan! Tingnan mo nga at sinasaulo namin sa eskwelahan ang buong buhay mo, hindi mo lang iyon nakikita. Wala kang karapatan na sabihing nakalimutan ka na.

Rizal: Hanggang doon na nga lamang ba? Tunay niyo nga ba akong kilala? Wala akong pakialam kung saulo niyo man ang buhay at mga terminolohiyang nakadugtong sa akin, Ang mahalaga lang, ay ano nga ba ang ating ipinaglalaban? Kaya niyo lamang yan pinag aaralan dahil yan ang sinabi ng matatanda, ngunit nakalimutan nila ang pinaka mahalaga. Sino bang talagang ako? Sino ka nga bang talaga?

Long Pause

Kabataan: Ako?…… Ako ay isang Pilipino.

Rizal: Pilipinong? Pilipino dahil lamang nakatira sa Pilipinas? Pilipino dahil ditto lamang ipinanganak at lumaki? Pilipinong ano? Kung magpapadala ka lamang sa agos ng buhay at kapaligiran, hindi mo makikilala kung sinong Pilipino ka nga bang talaga.

Kabataan: Ngunit papaano?? Papaano ko malalaman? Sino ka nga bang talaga, Rizal!

Rizal: Ako.. ay ikaw. Ikaw ang bagong rizal. Kayo.. Kayong mga kabataan ang mga bagong ako. Hindi ko hinihiling na gawin ninyo ang lahat ng mga bagay na nagawa ko noon, ngunit nais kong malaman ninyo na naniniwala ako sa inyo. Paulit ulit akong kumakatok sa inyo upang ako ay mapakinggan ng bagong pananaw at pag-iisip dahil kayo ang pag-asa ng bayan, ng Pilipinas. Hindi niyo ba alam kung bakit?

Kabataan: Bakit? Bakit ba? Bakit kami pa?

Rizal: Dahil kung hindi kayo, sino pa? Kayong mga kabataan, kayo lang ang mga tanging nilalang ang nakakakita ng maling nakagisnan ng ating mga magulang at ng mga kanilang magulang. Kung hindi kayo ang kikilos sa pagbabago n gating bansa, hihintayin pa ba natin ang mga kabataang susunod sa inyo? Isipin mo. Isipin mong mabuti. Kung hindi ikaw, sino pa?

Aalis si Rizal. Maiiwang nakatulala ang “kabataan” at didiretso sa upuan ng mga audience

Ba(lag)tas Ng Tula

Ba(lag)tas Ng Tula

 Mabini, Rizal, at Del Pilar meeting

Rio Alma bust by Tata Raul

Sinisisid ko ay tugmang sa batisa’y umaagos,

Sinasala’t iniipon ang maganda sa taludtod

Ng tulaing laan lamang sa mahal ko’t ihahandog

Tuwing siya’y dadalawin ng gunitang malulungkot.

Tinatarol ko ang lalim ng sukat at ng ceasura

Binubunot ko’y mainam na aayok sa panlasa

Nitong pupong nakikinig sa tulaì’y bumabasa

Upang sila ay maaliw at damdamin ay sumaya.

Humahanap ng personang sa tula’y magsasalita,

Magaling kung ang dadapo’y mula sa lahing diwata;

Dahil sila’y mahuhusay manghuli ng talinghagang

Akmang akma pag nilikha’y dalisay na mga tula.

Ganyan ako kung mangalap nitong tugma at ng sukat,

May batas at sinusuring parang lahid kay Balagtas.

 Kuta ni Tata Art Center

Sa gitna ng Laguna Lake