Habang naghihintay tayo ng iba na magsisimula ng panibagong thread dito, naghagilap kami ng iba pang paksa. Nahalungkat namin ang ilang mga kinatha nila Tata Raul, Ka Ezzard, Carlos C. Huelma, Fermin Salvador, Don Belardo, Willie Bongcaron, Rowan Velonta at iba pa na napalimbag dito sa emanilapoetry noong taong 2005.
Maraming magaganda tayong maaaring gawing...
More »
Posts Tagged ‘ Rengahan ’
Doon Po Sa Amin Renga
Rengahan – A new section in emanilapoetry
Noong nakaraang buwan, nag-post si Tata Raul ukol sa panukalang RENGAHAN dito sa emanilapoetry.
Ganito ang wika ni Tata Raul:
Diwa ko’y dinagit ng dalampasigan,
agad umimbulog sa may kalawakan;
layuni’y ilipad sa malayong lugar
upang ipabatid na may kahilingang
kami ay igawa kahit konting puwang
dito sa ‘ting website na tamang tinggalan
ng babalangkasing tula ng RENGAHAN.
Ang Rengang gagawin, ang huling...
More »
Lambingan Renga # 31
KAHOY itong kalambingan tuwing aahon sa bundok
Panggatong na maliliyab ang gapok na mga tuod
Habang yaong kabarkada’y nangangalap nitong uod
Sa pugad ng mga ibong may sisiw na nangagyupyop.
Kahoy itong pasan-pasang tila parusa ng Diyos,
Araw-araw na kakani’y hirap na ipagkaloob;
Ngunit ito’y naging hamon upang ako’y pumatuktok
Nitong labang kahirapan sa daigdig nitong agos.
Kahoy din ang...
More »
Lambingan (Renga 30)
PAGMAMAHALAN din; Kahit nangulila
sa nagluksang sangang pook na tipanan.
At sa panganoriy laging umaasa;
magbabalik muli ang mga nagdaan.
Noon ay kahapong binuo ang pugad
sa labay ng sangang bumasbas ng lilim.
At sa papawiri’y sabay kung lumipad
magkayakap naman sa gitna ng dilim.
Sa binuong pugad siyap ay narinig
ng magkasing ibon na lalong nagbuklod.
Sa mga musmos pa’t matinis na tinig
na...
More »
Lambingan Renga #29
PAGYAMANIN natin ang ating lambingan,
Hindi lang patungkol sa pagmamahalan
Nitong magsing-irog sa ugoy ng duyan
Isali rin natin ang celfon at kamay.
Mula nang mauso ang celfo’t internet,
Kalambingan nito’y ang daliri’t isip;
Lalo’t kabataan simbilis ng lintik
Pagpindot sa keypad sa kanilang katext.
Laging hinihimas nitong hinlalaki
Ang hilerang letrang kanyang kinakasi,
Minsa’y kuyom-palad na itinatabi
Magandang sisidlang sa mall pa binili.
Tao’ng halintulad...
More »
Lambingan (Renga 28)
DIBDIB puno ng kaba,
sa unang pagkakataon ihahayag ko ba
ang saloobin sa maylikha
nang rengahang kapanapanabik sa madla;
ang panulat nagdagta nang muli
sumigla, ang puso’y naluwalhati
nang mga lambingang umaliw
sa makatang nagkukubli
sa iyo katoto ang paglalambing
magtagumpay nawa iyong hangarin
ang katulad mong makata dapat gayahin
maging huwaran nitong bayan natin
ang pakisuyo ko ako’y payagan
na ihayag iba ko pang kakayahan
sa paglikha ng...
More »
Lambingan (Renga 27)
HARDIN ng mga gunita ng tuwa at kalungkutan
Ang bukirin sa nayon na siyang ating pinagmulan –
Tulad ng tahanang natayo sa gitnang kabukiran;
Malalaking puno ng mangga ito’y nayuyung-yungan
Huni ng manok at itik pumupuno sa bakuran
Sa pinagpalang umaga kagyat na ‘yong maririnig
Impit na tawanan nitong mag-asawang magkaniig
Na nahintong saglit dahil sa sanggol na umiingit;
Sumasaliw sa bawat...
More »
Lambingan (Renga 26)
NALIGAW na paruparo
sa sampaga ay natukso
na samyuin itong bango
sa tangkay na sumasapo.
kaya’t dagli na lumipad
sa talulot ng bulaklak
saka marahang lumapag
hinagkan ang rosang palad.
bulaklak ay di umimik
ang ubod ay kinikilig
sa dampi na anong tamis
ng naligaw na pag-ibig.
paruparo ay nagbukas
ng makikisig na pakpak
at ang ipinamamalas
ang kulay na anong tingkad.
at muli pang umimbulog
pagpagaspas na maharot
sa sampaga ay...
More »
Lambingan [acrostics]
L-alagi ka sa aking pusong patuloy sa kaylanman
A-aminin kong ilang beses tinangkang kalimutan
M-aamo mong mukha matang nanghalina ay na saan
B-akit laging nasa gunita gayon iyong iniwan
I-lang beses puso inutusan sa hardin, puntahan
N-a ang bagong pagibig, dito ligayang matagpuan.
G-abi at araw, ikaw parin laman nitong isipan.
A-ko’y pagod na, dahil nagawa mo akong talikdan,
N-arapat ilibing na,...
More »
Lambingan (Renga 25)
PAG-IBIG, di habag ang isinisigaw
Ng labing kaniig, luhang dumadalaw
Na nakikisiping sa pagkahandusay
Sa karton ng hirap na hinihigaan
Hinahanap natin ang suyo ng silay
Pag-asang hahaplos sa ating mga buhay
Sa kinasadlakang maputik na kanal
Ng laksang pasakit – laging dumaratal
Magkaakbay tayo sa gilid ng daan
Na ang tinutugpa’y harap ng simbahan
Hindi upang doo’y nasok na magdasal
Kung hindi sa...
More »
Lambingan (Renga 24)
LINILIYAG/NILILIYAG ko puso mo ay hindi masaklaw
Pintua’y nakapinid, maging sikat ng araw
Hindi kayang maglagos; hangin ay walang saysay
Upang ito’y matulak; dibdib sadyang matibay
Parang kalian lang ito’y tahanang laging bukas
Malalamig na hangin do’y papasok-lalabas;
Silahis nitong araw sa ulap na umaalpas
Sa kanlungan nito ay init na walang wakas
Parang kailan lang ito’y pag aking kinakatok
‘di pa man...
More »
Lambingan (Renga 22)
NAKADIKIT pa rin sa ating gunita
ang nobelang lantay ang pagkakaakda
sa di mapantayang guhit ng tadhanang
sa ‘ting panitika’y muhong dinakila.
At yamang ang paksa natin ay lambingan
hayaang pitasin sa akda ni Rizal
ang ’sang kabanatang di ko malimutan
inyo ring basahi’t atin nang balikan:
Nang isang sasakya’y tumigil sa tapat
At siya’y namutlang dibdib ay pumitlag
At binayaan n’yang sa kamay...
More »
lambingan (renga 21)
KAWAWA larawan ng abang inakay sa patak ng ulan
halos pikit pang matang, tuka’y nabuka’t naghihintay
ng pagkaing sa dati’y kusang nahuhulog sa lalamunan
papalagpalag mumunting pakpak at paang kumakaway
binging langit pati kapaligiran maliban sa ahas sa tangkay
gumgapang dumidilatdilat, papalapit sa mga walang malay
kumidlat mga matay naparam, sinaklot ng takot nagsiksikan
kinitil imik magkadikitdikit, parang panganib naramdaman
ano pa...
More »
Lambingan Renga #20
INA-ASAM-ASAM iyong pagbabalik,
Upang malamina ang Kristal kong tubig;
Bakit tuwing gabi ikaw ay tahimik
Sinong kayakap mo sa iyong pag-idlip?
Pagtudla ng iyong mahinhing umaga,
Rahuyong sariwa sa aking hininga;
Sa katanghalia’y may suklay kang dala’t
Tititigan mo ang kalmante kong ganda.
Pagdarapithapo’y ikaw ay kikiling
Doon sa inantok pulang kanluranin;
Muli mong iiwan esmeraldang angkin
Upang makatalik ang gabing mahimbing.
Ang ating lambingan o...
More »
lambingan (renga 19)
BUKANG-LIWAYWAY may ngiting sinusundan ako sa parang
apak ng paa ko tubog ng hamog ng luntiang damuhan
paris ng mga namumungay na mga mata kong nalulumbay
tinutukso ng mga naggagandahang bulaklak kumakaway
nilalambing ng malamig na mga simoy na walang humpay
itinatago ko sa mga palad kong hitik ng lintos may hapdi
katulod ng puso kong nandidito nagtitiis nagbabaksakali
nang masulyapan...
More »
