mga pananaw sa pagkatha ng pinoy haiku

ang mga sumusunod ay aking latest posted pinoy haiku sa emanilapoetry.com

 

1121. pangeke sa banal

April 12, 2014 by Rey de Vera

 

bumukal sa kabibe

amen ang usal

birhen ng Guadalupe

 

1122. may nasa na tigang

April 15, 2014 by Rey de Vera

 

umaninaw sa lawa

hubog ng buwan

yapos ang sinagtala

 

at heto pa ang aking ilang pananaw sa pagkatha ng pinoy haiku:

mahalaga ang kaalaman sa makalumang tulaing tulad ng tanaga upang bumalangkas ng pinoy haiku. dahil ang dating gawi ng pagkatha ng tanaga ay may mataas na antas. ito ay tila bugtong, tila salawikain, tila may hiwaga at kadalasan, itinuturing na matalinghaga. kaya’t ang pag-unawa sa approach ng bugtong at salawikain na gumagamit ng nature images sa figures of speech o figurative language nito ay malaki ang pakinabang ng manunula/makata; at kung maaari ay tuluyan nang mag-immerse sa nature poetry at mabatid ang mga retorika nito.

samantala, ang haiku ay wala naman talagang kinalaman sa talinghaga bilang metaphorical, figurative, symbolic, allegorical, representational, emblematic, o idiomatic kasi kapag sinabing fictional, imaginative, o creative tila hindi na ito literal. mukhang hindi na ito batay sa talagang kung ano lang ang nakikita sa kalikasan o kapaligiran sa sandaling iyon. at aakalaing may naiba na.

ang haiku sana ay pananaw ayon sa mga nakikitang bagay sa kasalukuyang nagaganap. a literal authentic description of the setting/moment. ang unique o kakaiba nga lamang ay ang pagpili ng mga bagay na isasama o ilalakip sa paglalarawan. at least, dalawang bagay na gagamitin sa juxtaposition para sa isang abstract conclusion. o at most, tatlong kaisipan sa paglalarawan ng self/man, community/society, at earth/universe. Maaring gumamit ng sequence of focus tulad ng mula sa baba pataas, galing sa loob palabas, umpisa sa maliit palaki, at vice versa, upang magpa-abot ng hierarchy, movement, o transition. kaya’t tila nababawasan ang objective reality dahil depende na sa makata ang desisyon. kung anong images ang bibigyan niya ng pansin para makagawa ng metaphors. at dito na pumapasok ang mga prejudice o idiosyncrasy niya.

sa diction naman makikita ang kakayahan ng manunula kung baguhan ba siya o mahusay na, at kung may elegance ang paghanay (arrangement) o paggamit (deployment) ng mga kataga. depende kasi sa panlasa niya ang istilo ng kanyang pagpili ng mga salita. at sa lawak ng kanyang bukabularyo masisipat ang antas ng kanyang kaalaman at kakayahang umiwas sa mga kalabisan. sa pagbaybay ng nuances at paglandas sa sensibilities. kaya’t makatutulong ang paggamit ng akmang mga salita na naghahatid ng mas makulay/mayaman na pandama at pagkakilala. bakit babangit lang ng salitang “ibon”, hindi ba niya kilala ang uri ng ibon? o taga-lungsod siya kaya sadyang ganun. samakatuwid, mahalaga na tukuyin talaga ang pangalan ng bulaklak, kahoy, pook, damo, kulisap, hayop atbp., upang maging mas kaaya-aya at malinaw ang paglalarawan. iba pa ang usapin ng katapatan sa pagkatha. kung makatotohanan ba ang nalikhang kapaligiran. na desisyon na ng mambabasa ang hanapin pa ito.

dito na rin pumapasok ang pag-employ ng figurative, symbolic and spiritual levels of meaning. sapat ba na maunawaan lang ang tula sa relative/common sense truth, dala ang payak na karanasan ng daigdig o literal interpretation ng mga bagay-bagay? o may binubuo pa ba itong mas malalim o mataas na kahulugan/katotohanan? tulad ng mga kaisipang may kinalaman sa kababalaghan, hiwaga at pang-ispiritu. karamihan nito ay mapapansin sa pag-employ ng simbolismo sa paraan ng metaphor, analogy, personification, at oxymoron. except simile na hindi ginagamit nang tahasan sa haiku. o hahayon ba ito sa absolute/ultimate truth o mga ispiritual na usaping bumabaybay sa animism, anthropomorphism, deep ecology, ecocriticism at iba pang kamalayan at paniniwalang may kinalaman sa kalikasan o kapaligiran? mahalaga dito ang substance because dealing with pinoy haiku is an attempt at expressing things seen differently. as J. R. R. Tolkien puts it, the first men to talk of ‘trees and stars’ saw things very differently. to them, the world was alive with mythological beings… to them the whole of creation was “myth-woven and elf-patterned”. (Carpenter, Humphrey (1979). The Inklings: C. S. Lewis, J. R. R. Tolkien, Charles Williams and Their Friends. Boston: Houghton Mifflin. p. 43.)

bagaman kung may pagpipili ay may subjective judgment na ng kung ano ang mahalaga o natatangi. upang maipa-abot ang ninanais na mensahe. may pagpipili rin ng angkop na salita, dahil tula ang medium o paraan, kaya’t maaring gagamit ang makata ng tugma at pantig. at dito humihiwalay ang mala-prosang free verse palayo sa tulang patugma o pa-awit. likas na kailangan ang ritmo sa tula upang maging kanais-nais sa pandinig. mahalaga rin ang paglampaw ng kahulugan sa literal lang na pagkaunawa. at minsan hahanapan pa ng aral at payo o sagot sa ina-akalang pala-isipan.

dito makikita ang pinanggalingan ng tulang haiku na nag-evolve from expressions of zen philosophy. kaya’t may pagkakahawig ang sinaunang tanaga dahil ito naman ay bunga ng native filipino process of reflection and contemplation. making proverbs, riddles or tanaga verses is their ancient tradition of thinking and seeing in metaphors. this entailed propounding their inner sight about ordinary things, some sort of primal wisdom. a fresh rendition of old beliefs or supernatural things in comprehensible terms.

kaya’t ang struggle ng isang pinoy haiku poet ay i-express sa tula ang kanyang pagpapahalaga at pagkatao sa paraang humahanap ng harmony between spontaneous feeling at holistic thinking. may tradisyon ang haiku na ihayag ang napapansing bagay sa pangsalukuyang pagkakataon. ang content ay mga pananaw sa pagkagiliw, paghanga o paggalang sa kalikasan. at ang pagsulat nito ay isa nang patunay ng kanyang empathy, affinity, concern about mother earth. magaan ito kung may pagkaunawa ang makata sa zen philosophy o ispiritualidad ukol sa kalikasan. at kung may kakayahan ang babasa sa pagtanggap ng enlightenment o moment of epiphany.

ang pananaw ng zen ay katulad sa gawain ng isang mananampalataya na nagdarasal o nagdedebusyon, sa ibang paraan nga lang dahil ang focus ng zen ay meditasyon tungo sa pagkaunawa ng sarili/diwa, direkta at personal. ang kalikasan ay tutulong na masalamin ang kanyang enlightenment. sa pagbuo ng zen-like haiku, ang pananaw ng zen reader ay hindi dapat matali sa literal interpretation ng tula, bagkus dapat bumalanse ito sa pag-transcend ng kahulugan sa panahon at espasyo. dahil ang iba ay likas na sanay sa discursive, prosaic, explanatory or academic analysis of the message. tila reader-oriented ang approach dito dahil inner/personal journey to illumination/clarification at renewal/restoration niya ang mahalaga. poetical nga ngunit non-explanatory dahil ang paraan ng communication ay presentational.

kaya’t sa pinoy haiku, ang talinghaga ay tila nagiging isang hiwaga (mystery) o kababalaghan (mystical) sa bumabasa nito. ngunit sa makata ito ay isang pagkakataon na marating ang mas malalim na pag-unawa by reflection/ contemplation/introspection or understanding/sensitivity/perception/ discernment of some enigma (katatakhan). sapat at ganap kung makapaghatid ang tula ng awareness, realization or insight of the moment. dahil mahalaga na ang appreciation o pagkaunawa sa tula ay makamtan sa paraan ng intimate experience o symbolic logic at hindi sa pamamagitan ng intellectual discussion o expository prose ng kung sino pa man.

ANG POETIKA NG PINOY HAIKU

ANG POETIKA NG PINOY HAIKU

March 22, 2014

Binalangkas ang Pinoy Haiku bilang isang uri ng tulaing Filipino na naghahayag ng paghanga sa kalikasan at pagkalugod sa kapaligiran. Halaw ito sa haiku ng Hapon sa sinaunang bilang nitong labimpitong (17) pantig na nahahati sa tatlong taludtod at ang buong saknong ay may 5, 7, at 5 na pantigan. Samantala, sang-ayon naman sa nagpanukala, ang una at huling taludtod ng Pinoy Haiku ay may pitohang pantig, at ang gitnang taludtod ay may limahang pantig; sa kabuuang bilang na labing siyam (19) na pantig bawat saknong. Kaya’t ang Pinoy Haiku ay lumalabas na isang pagbabagong anyo ng haikung Hapones, ngunit ibinatay ito sa mga uri ng katutubong tula ng Pilipinas na tumutugma sa pitong pantig, tulad ng gawi sa ambahan, tanaga at diona. Ayon sa balangkas ng Pinoy Haiku, ang magaling na saknong ay nasa 7-5-7 pantigan at ang taludtod nito ay dapat may ganap na tugma sa a-b-a na tularang tugma. Higit sa lahat, dapat naghahatid ng talinghaga ang mga pagwawangis bilang kaaya-ayang sangkap ng tula.

 

Mga Pamantayan ng Katangi-tanging Pinoy Haiku: 

1. May labing siyam (19) na pantig ang bawat saknong/tula;

2. Nahahati ang tula sa tatlong taludtod (7-5-7);

3. Pitong pantig ang bilang ng sukat sa una at huling taludtod;

4. Limang pantig ang bilang ng sukat sa gitnang taludtod;

5. May ganap o karaniwang tugma ang una at huling taludtod;

6. Maaring gamitin ang karaniwang tugma, kung ang bigkas na malumay at mabilis, o malumi at maragsa ay pinagsasama sa mga huling pantig ng una at huling taludtod;

7. Angkop gamitin ang ganap na tugma, kung saan ang mga huling pantig ng una at huling taludtod ay nagtatapos sa iisang tunog. Tulad ng nasa susunod na halimbawa:

1112. may taki ang tagiti

March 20, 2014 ni Rey de Vera

dinadampi ng alon

dasal sa binhi

bumalabal na ambon

8. Ganap ang tugma ng “alon” at “ambon” dahil nagtatapos ang mga huling pantig sa iisang tunog na “on ngunit kung walang magandang dahilan ay isa na itong kalabisan. Higit na kalugod-lugod ang tulad ng nasa susunod na halimbawa:

1111. may sanib ang hari

March 20, 2014 ni Rey de Vera

dinadampi ng halik

bubot na lunti

lunod sa panaginip

9. Ganap pa rin ang tugma ng “halik” at “panaginip” kahit nagtatapos ang mga huling pantig sa magkasing-tunog na “ik” at “ip ngunit maituturing itong mas mahusay na katha. Maaring sikapin na hindi magamit ulit ang mga huling titik sa tugma ng m  n  ng  l  r  w  y     o      b  d  g  p  t  k  s tulad ng nasa mga sumusunod na halimbawa:

980. diwang na pagsaluhan

April 17, 2012 ni Rey de Vera

huminimpil ang gabi

diling lanaw

sinalimbay sa huni

 

1108. may dilag ang bisig

March 20, 2014 ni Rey de Vera

humalik nang banayad

rosas sa dibdib

mahigpina niyakap

10. Ayon sa unang halimbawa, mapapansing walang inulit na titik sa m  n  ng  l  w  y  at sa pangalawang halimbawa, mapapansing walang inulit na titik sa b  d  p  t  k  s maliban sa titik g na inulit sa pamagat na mga salitang “dilag” at “bisig“;

11. Ang pinakamataas na antas ng pagkatha ng Pinoy Haiku ay maabot ang kakayahang pumili ng angkop na salita habang umiiwas sa mga kalabisan ng pag-uulit, tulad ng nasa susunod na halimbawa:

1300. may pasamba ang nanay

December 4, 2015 ni Rey de Vera

sinukob ng mandorla

handog na ilaw

kuminintal sa tilma

Dito ay sinikap na hindi gamitin ulit sa una at huling titik ng mga salita ang mga katinig na  m  n  ng  l  w  y  b  g  p  t  k  s  at patinig na maliban sa huling titik na a ng mga salitang nagtutugma “pasamba“, “mandorla” at “tilma“.

11. Ang payak na tularang tugma ng Pinoy Haiku ay a-b-a. Kaya’t ang pagkakatulad ng tunog nito ay nasa mga huling pantig ng una at huling taludtod. Ngunit ang mataas na antas ng pagkatha ng Pinoy Haiku ay kakikitaan ng mga panloob na tugma. Tulad ng nasa susunod na halimbawa:

1112. may taki ang tagiti

March 20, 2014 ni Rey de Vera

dinadampi ng alon

dasal sa binhi

bumalabal na ambon

12. Ang mga panloob na tugma sa saknong ay ang tugmaan ng “dinadampi” at “binhi”; at ng “dasal” at “bumalabal”; at ganoon din sa mga unang titik ng “dinadampi” at “dasal”; “binhi” at “bumalabal”; at “alon” at “ambon”;

13. Sinikap rin na patatagin ang tugmaan sa buong tula upang maging ganap ang pagkakaisa ng mga bahagi nito. Kaya’t naririto ang mga pinaka-mataas na antas ng palatugmaan magmula sa pamagat hanggang sa saknong:

palatugmaan A-1

A+A    (pamagat)

a+b/

b+A/

a+b

halimbawa:

1053. kutob(A) ng loob(A)               (A+A)

November 9, 2013 ni Rey de Vera

humuhugos(a) ang ulap(b)        (a+b)

gubat(b) sa bundok(A)   (b+A: tugma sa bundok ang kutob, loob)

may pasilod(a) na bitag(b)        (a+b)

 

palatugmaan A-2

B+A    (pamagat)

a+B/

b+A/

a+b

halimbawa:

1077. nahugas(B) ang kalawang(A)       (B+A)

December 21, 2013 ni Rey de Vera

pakabanlaw(a) sa dagat(B)   (a+B: tugma sa dagat ang nahugas)

batad(b) na buwan(A)    (b+A: tugma sa buwan ang kalawang)

dinalisay(a) ng ulap(b)                         (a+b)

 

palatugmaan B-1

C+C     (pamagat)

a+b/

a+C/

c+b

halimbawa:

1065. may tibok(C) na bundok(C)         (C+C)

December 1, 2013 ni Rey de Vera

lumagaslas(a) ang batis(b)                (a+b)

damag(a) ng tunog(C)  (a+C: tugma sa tunog ang tibok, bundok)

suminukob(c) sa yungib(b)           (c+b)

 

palatugmaan B-2

B+C     (pamagat)

a+B/

a+C/

c+b

halimbawa:

1073. nabitin(B) ang idlip(C)               (B+C)

December 10, 2013 ni Rey de Vera

di tumanggi(a) sa dilim(B)   (a+B: tugma sa dilim ang nabitin)

gabi(a) ng tagbik(C)                (a+C: tugma sa tagbik ang idlip)

paimpit(c) na halinghing(b)            (c+b)

 

palatugmaan C-1

A+A      (pamagat)

a+b/

c+A/

c+b

halimbawa:

1070. may toog(A) na matayog(A)        (A+A)

December 8, 2013 ni Rey de Vera

inuudyok(a) ang buwan(b)         (a+b)

puno(c) sa tuktok(A)  (A+A: tugma sa tuktok ang toog, matayog)

pulo(c) ng cayucyocan(b)           (c+b)

 

palatugmaan C-2

B+A      (pamagat)

a+B/

c+A/

c+b

halimbawa:

1016. bakas(B) ang yapos(A)                       (B+A)

May 14, 2012 ni Rey de Vera

nakatumpok(a) na ulap(B)    (a+B: tugma sa ulap ang bakas)

uban(c) ng gulod(A)                (c+A: tugma sa gulod ang yapos)

bulhaw(c) sa minamatyag(b)          (c+b)

 

14. Mapapansin na hindi inuulit ang mga salita;

15. Malimit ang paggamit ng mga katagang “ang”, “na”, “sa”, “ng”;

16. Bihira ang paggamit ng mga katagang “may”, “at”, “ay”, atbp.;

17. Karamihan ay may walong salitang susi (key words) kasama na ang nasa pamagat;

18. Kung maaari ay sa pamagat gamitin ang mga salitang basal (abstract);

19. Iwasang gamitin ang katulad sa pandiwang panahunan. Halimbawa: kung ginamit na ang salitang “humalik”, huwag nang gumamit ng “yumakap” na kaanyo ng panahunan (tense);

20. At dapat may nabubuong pagwawangis (metaphor) sa bawat pagtatambal ng mga salitang susi.

Unang Panuto sa Pagsulat ng Pinoy Haiku

Ang Pinoy Haiku ay maikling tula na nagpapahayag ng damdamin o pagdiriwang ukol sa kapaligiran at kalikasan nang may tiyak na kaanyuan. Kaya’t ito ay binubuo ng isang saknong (verse) mula sa tatlong taludtod (line) ayon sa tanging sukat at tugma nito.

Anyo at Sangkap ng Pinoy Haiku:

1. May tatlong taludtod ang bawat saknong ng Pinoy Haiku (7-5-7). Pito ang bilang ng pantig sa una at huling taludtod; samantalang, lima ang bilang ng pantig sa gitnang taludtod nito.

2. Ang tularang tugma ng Pinoy Haiku ay a-b-a. Kaya’t ang pagkakatulad ng tunog nito ay nasa mga huling pantig ng una at huling taludtod.

3. Maaring gamitin ang karaniwang tugma, kung ang bigkas na malumay at mabilis, o malumi at maragsa ay pinagsasama sa mga huling pantig ng una at huling taludtod ng saknong nito. O gamitin ang ganap na tugma, kung ang mga huling pantig ng una at huling taludtod ay nagtatapos sa iisang tunog.

4. Ang mga paglalarawan ng Pinoy Haiku na nakapaloob sa mga taludtod ay nagtataglay ng magandang diwa at maka-sining na kariktan. Kaya’t ang kaisipan nito ay kakukunan ng mga kaaya-ayang halimbawa o aral sa pangangalaga ng kalikasan at pagmamalasakit sa kapaligiran.  Ang maka-sining na kariktan naman nito ay mula sa mga salitang ginamit ng makata na pili at ayon sa mabuting panlasa upang ipahayag ang mga naaangkop na metapora o talinghaga.

call for pinoy haiku volume 3

i am rey de vera. a pinoy haiku poet.

pinoy haiku is a tagalog/filipino haiku poetry innovation.

pinoy haiku is my rendition of tagalog “tanaga” and the japanese haiku in its 5-7-5 fixed-form.

the ancient “tanaga” form has 7 syllables in four lines with a-a-a-a rhyme pattern.

apparently, “tanaga” is a combination of two proverbs or it is a poem with a four- line verse.

on the other hand pinoy haiku will use the following fixed-form:

7-5-7 syllables in three lines and with a-b-a pattern rhyming in first and last line.

for the beginners, they should try to find the least difficult way of expressing their pinoy haiku.

however, it must exhibit the ability of filipino poets in the most advanced/sophisticated way.

for me, pinoy haiku is simply an attempt at compositions of tagalog/filipino verses about nature.

now, i have a compilation of 1,000 original pinoy haiku and i intend to include your own verses.

I want the third volume to be composed of my pinoy haiku and 400 selected pinoy haiku.

thus, my total number of compilation as of this date is volume one: 500 original pinoy haiku;

volume two: another 500 original pinoy haiku; and this proposed compilation is volume three:

my 100 original pinoy haiku and 400 selected pinoy haiku from other pinoy haiku poets.

my latest pinoy haiku as pinoy haiku 1079 is posted in emanilapoetry.com and appears below:

 

may ulos ang laot

December 25, 2013

by Rey de Vera

ulap ng panganorin

silag sa look

gulod na laong talim

 

nasa walong daang pinoy haiku na ang aking naka-post sa emanilapoetry.com

ang aking poetics ng pinoy haiku ay masasalamin sa mga tula kong naka-post doon.

ang advance level ay syempre taglay na ng mga huli kong naka-post na pinoy haiku.

at narito ang mga gagamiting pamantayan sa pagpili ng isasama sa 400 selected pinoy haiku:

a. mapapansin na hindi inuulit ang mga salita.

b. na malimit ang paggamit ng mga katagang “ang,” “na,” “sa,” “ng.”

c. na bihira ang paggamit ng mga katagang “may,” “at,” “ay,” atbp.

d. na karamihan ay may walong key words kasama na ang nasa pamagat

e. na kung maaari ay sa pamagat gamitin ang mga abstract words

f. na iwasang gamitin ulit ang verb tense

g. na hindi inuulit ang mga huling titik sa tugma ng  m  n  ng  l  r  w  y     o      b  d  g  p  t  k  s

h. na may nabubuong metaphor sa bawat pagtatambal ng salita

i. na may unity ang buong tula sa 7-5-7 na pantig bawat linya

j. na narito ang palatugmaan magmula sa title hanggan sa verse:

 

palatugmaan A-1

A+A    (title)

a+b/

b+A/

a+b

halimbawa:

kutob(A) ng loob(A)              (A+A)

November 9, 2013 by Rey de Vera

humuhugos(a) ang ulap(b)     (a+b)

gubat(b) sa bundok(A)              (b+A: tugma sa bundok ang kutob, loob)

may pasilod(a) na bitag(b)      (a+b)

 

palatugmaan A-2

B+A    (title)

a+B/

b+A/

a+b

halimbawa:

nahugas(B) ang kalawang(A)       (B+A)

December 21, 2013 by Rey de Vera

pakabanlaw(a) sa dagat(B)        (a+B: tugma sa dagat ang nahugas)

batad(b) na buwan(A)                  (b+A: tugma sa buwan ang kalawang)

dinalisay(a) ng ulap(b)                 (a+b)

 

palatugmaan B-1

C+C     (title)

a+b/

a+C/

c+b

halimbawa:

may tibok(C) na bundok(C)         (C+C)

December 1, 2013 by Rey de Vera

lumagaslas(a) ang batis(b)          (a+b)

damag(a) ng tunog(C)                   (a+C: tugma sa tunog ang tibok, bundok)

suminukob(c) sa yungib(b)        (c+b)

 

palatugmaan B-2

B+C     (title)

a+B/

a+C/

c+b

halimbawa:

nabitin(B) ang idlip(C)         (B+C)

December 10, 2013 by Rey de Vera

di tumanggi(a) sa dilim(B)                 (a+B: tugma sa dilim ang nabitin)

gabi(a) ng tagbik(C)                               (a+C: tugma sa tagbik ang idlip)

paimpit(c) na halinghing(b)              (c+b)

 

palatugmaan C-1

A+A      (title)

a+b/

c+A/

c+b

halimbawa:

may toog(A) na matayog(A)        (A+A)

December 8, 2013 by Rey de Vera

inuudyok(a) ang buwan(b)       (a+b)

puno(c) sa tuktok(A)                    (A+A: tugma sa tuktok ang toog, matayog)

pulo(c) ng cayucyocan(b)         (c+b)

 

palatugmaan C-2

B+A      (title)

a+B/

c+A/

c+b

halimbawa:

bakas(B) ang yapos(A)   (B+A)

by Rey de Vera 05.14.2012

nakatumpok(a) na ulap(B)                 (a+B: tugma sa ulap ang bakas)

uban(c) ng gulod(A)                              (c+A: tugma sa gulod ang yapos)

bulhaw(c) sa minamatyag(b)             (c+b)

 

karamihan ang ganitong mga pagtutugma ay ginamit ko sa mga huli kong pinoy haiku.

kayat masasabi ko itong nasa advance level. pumili na lang siguro ang iba ng sariling style.

ginawa ko ito upang subuking malinang at mapaunlad ang linguistics element ng pinoy haiku.

 

rules:

ang maximum na bilang ng aking pagpipilian ay 10 entries bawat pinoy haiku poet.

dapat ay original na gawa at hindi pa naipo-post o nalilimbag sa anumang site o babasahin.

ang mga ipapadalang pinoy haiku at pangalan ng pinoy haiku poets ay maaaring malathala sa Pinoy Haiku Weblog at poetry sites at mananatiling may kapahintulutan ng copyright ang Pinoy Haiku Weblog.

mahalaga ang paglakip ng mga sumusunod:

name, address, age, nationality, email, telephone/mobile phone, profession and school name

ang theme/ topic/ content/ subject ay may kinalaman sa kalikasan, nature, o environment

 

aim:

ang layunin ng paglilipon para sa pinoy haiku volume 3 ay upang mapalawak at mapatanyag ang pinoy haiku.

mahalaga ang usapin ukol sa pangangalaga ng kalikasan, makapag-ambag sana positively ang gawaing ito.

sikapin natin na ang pinoy haiku ay may artistic value at literary merit, may sublimity at elegance.

ang entries ay ipapadala sa aking email address reydvra@yahoo.com

good luck. 

winners of pinoy haiku contest

Announcing the winners of First CANCAB Pinoy Haiku Contest held on August 20, 2013 at

Camarines Norte College of Arts and Business, First and Second Year College Students

Sponsored by The Japan Foundation Manila and JICC, Embassy of Japan, Manila

Theme: “Wika Natin ay Wika sa Pangangalaga sa Kapaligiran”

In celebration of Buwan ng Wika

Posted by Rey de Vera

1st Place   

nilagpakan ng ilog

lagas na dahon

sumasabay sa agos by Joy A. Visitacion

 

2nd Place   

lawin sa alapaap

taas ng lipad

hanap ay gintong pugad by Cristy A. Benarao

 

3rd Place   

ang pagpihit ng ulap

lamig ng lupa

palaka ay umiyak by Charity S. Romano

 

4th Place   

nakalutang na dahon

agos ng tubig

gumagapang paahon by Andro Borromeo

 

4th Place   

maya na limilipad

dala ay dahon

sa lakas ng pagaspas by Christian P. Allago

 

5th Place   

sa ingay ng kuliglig

kwago’y napikit

sa kweba’y natahimik by Peterval John A. Pajalla

 

5th Place   

dilim ng hating-gabi

tulog na lahat

kuhaw ay humuhuni by Mark Jemuel P. Tarrega

 

6th Place   

nagsisiyap na sisiw

lamig ng simoy

humapon ang lawin by Joel T. Simbajon

 

7th Place

nagdidilim na langit

sa alapaap

bituing sumisilip by Helen D. Napoles

 

8th Place   

malakas na ang hangin

galaw ng dahon

 bumabagsak sa bangin by Joseph R. Obog

talulot na pula kay ophelia

sa daloy naglagablab
alay ng apoy
di malantang bulaklak

(ala-ala ni ma’am ophie ng ust)

Talulot ng Tagulaylay

Talulot ng Tagulaylay (Edited and reposted poem)

Masdan itong sanggumay

Nang luminaglag

Ang lupa’y nagkakulay. Posted: November 25, 2006