Kung Sakali Hati Tayo

Noong ako ay bata pa ay maraming katanungan

Ang tuwina’y naiisip sa sarili kapag kuwan.

Sa darating na panahon kaya ko ba ang mabuhay?

Kahit wala sa tabi ko ang kapatid at magulang?

Naroroon yaong takot baka ako’y magkamali

Sa pagkilos at paggalaw kahit na nga sa pagngiti.

Sa pagbigkas ng salita nag-iingat namimili,

Naging bunga kaya ako ay lumaking isang kimi.

Gayon pa man ang pangamba ay pilit kong iniwasan

Sa maganda itinuon ang buo kong kaisipan.

Palagiang sinasambit, “bahala na ang Maykapal,

Bigyan sana Niya ako ng tunay na kaibigan.”

Parang tugon sa dalangin dumating ka sa buhay ko

Sa pangambang nasa dibdib ay ligaya ang dulot mo.

Aliwalas ang paligid may ngiti na ang labi ko,

Dahil sa’yo kaibigan kayganda ng aking mundo!

Naisip ko tuloy ngayon oh kay sarap nang mabuhay

Sa daigdig kung kasama matalik mong kaibigan.

Sa hirap man o ginhawa sa tuwa at kalungkutan,

Naroroon sa tabi mo upang ikaw ay damayan.

Kaibigan ikaw pala ang lunas na hinahanap

Panlaban ko sa pangamba at dusa na dinaranas.

Lumipas man ang panahon sa pag-abot ng pangarap,

Asahan mong bahagi ka kung tagumpay ay malasap!

Salubong

(Para kay Ka Romy)

Halika

ang sabi ng de-kuryenteng

mensahe

mga letra

at numerong

hinusgahan ko

dahil sa kawalan

ng laman at pulso

saka ko na lang

lululunin ang sariling

konsepto ng hustisya

sa pagkikita

ng mga ngiti

tawa

at kislap ng mata

kahit kumonti

ang mga kanta.

Maibalik

Radyong tumutugtog siya’ng nagpangiti

Sa kabila ng puot at dalamhati

Anu pa kaya ang magagawa ,

Maibalik lang ang samahan ? Ako’y hindi magsasawa .

Kaybilis lumipas ng oras

Pag-ibig ma’y di mailigtas

Sa pagkakaibigang kumukupas

Dahil sa mga problemang dinaranas

Alam kong pagod na tayo

Sa lahat ng paninigurado

Alam ko , gumugol man tayo ng panahon

Hindi sapat upang maiahon

Tila limot na mga araw

Tunay na pagkakaibigan ang natanaw

Sa iyong mga matang kumikislap

Tila perlas ng alapaap

Naghihintay na bumaba

Liwanag ng isang bulalakaw , sa lupa

Kung sakaling marinig ang panalangin

Maibalik kagandahang pamumuhay na sumaatin

Maibalik kaligayahang hindi nabibili

Maulit pagmamahalang tayo ang saksi

Basahan…

Pagkakaibigan natin, parang isang basahan
Matapos gamitin, ay ganun nalang kadali palitan
Ano na ba ang nangyari?
Bakit nga ba ganito ang mga pangyayari?

Nakakainis isipin… Kay tagal kitang nakasama…
Ngunit siya dalawang linggo lang…
Biglang sha na ang pinakamatalik mong kaibigan…
Ang dahilan mo… sabi mo naiintindihan ka nya…
Malamang, ganyan talaga ipapakita pag nagliligawan

Ganun nalang ba kabilis palitan ang ating pagkakaibigan?
Parang basahan lang na tinatapon kung saan saan?
Di ko matanggap ang nangyaring ito…
Sobrang sakit ang nadarama ko…
Ganun lang pala ang pagkakaibigan nating ito…

Pwede Ka Ba Lapitan?

Matanung ko lang… Pwede ka ba lapitan?
Matapos ang lahat ng kaganapan?
Matagal na kita di nakakasama kaibigan…
Namiss din kita, matapos ang lahat ng alitan…
Ang hirap mo na talaga lapitan…
Ganyan ba talaga pag nililigawan?

Oo, sinabi mo na ang dapat sabihin…
Pero please lang… Wag naman sana…
Maging basura pagkakaibigan natin…
Siguro ay hindi mo lang ito alintana…
Pero ito ay binibigyan ko ng halaga…

Lagi mo nalang sha kasama…
Sayang naman… Di kita matyempuhan…
Di magawa ni simpleng kwentuhan…
“Haluw Kaibigan”, “Kamusta ka na?”
Hanggang sa isipan nalang masasabi…
Habang nakatingin sayo, di ko na masabi…

Nakakalungkot naman talaga isipin…
Di na mauulit ang dating pagkakaibigan natin…
Walang magawa, walang kalaban laban…
Nasira ang samahan at napalitan ng kabulukan…
Nagkaayos, pero di na tayo tulad ng dati…
Sinisikap kong ibalik ang mga pagkakataon…
Na kung saan ang aking kalungkutan ay nabaon

Pero ang nangingibabaw ay ang katotohanan…
Ako’y walang magawa, walang kalaban laban…
Di ko na makasama ang aking kaibigan…
Ang kaibigan ko na minahal ko ng lubusan…
Ano ba naman kasi ang magagawa ko?
Eh nililigawan na ang minamahal na kaibigan ko?

Mumunting Kaibigan

Meron akong isang mumunting kaibigan…
At oo totoo na siya ay mumunti lamang (hahaha)
Maaliwalas ang mukha at nakangiti…
Di ko namalayan, ako din pala ay nakangiti…
Ano ba ito? Ako ay masaya kapag kasama kita…
Tamang kwentuhan, kulitan… Sakto lang…
Masaya ako, nakangiti ka, mga sandaling di sinasayang…

Un nga lang di ka naman komportable sakin…
Minsan nga halata naman na ayaw mo ko kasama…
Ayus lang, may mga bagay naman di napipigilan…
Lang magagawa kundi hintayin na lamang…
Na maging magaan na muli ang loob mo sakin…
Sana naman magbalik na ung bagay na aking iniingatan…

Ang sakit naman nung sinabi mo na nakukulitan ka sakin…
Hehe di na nga ako mashado magkukwento ng kung ano…
Ayoko naman kasi na makulitan ka ulit sa akin…
Sayang naman, la na ung kwentuhan, dibale, ayus lang yan…
Ang hirap lumapit, baka kc makulitan ka nanaman…
Mangyari na ang dapat mangyari, dapat dito hayaan nalang…

Ayus lang naman… kahit di ako katulad ng turing mo sa iba…
Masasabi ko lang, maasahan mo ako pag me kelangan ka…
Wag ka mahiya humingi ng tulong, di kita pababayaan…
Dba ganyan naman ang kaibigan? Walang iwanan?
Kahit di ako dakila tulad ng iba, masasabi ko di kita iiwan…
Shempre, mahal ko ang aking mumunting kaibigan…