Kaibigan sa Pasko

Walang saysay ang pagdiriwang
Kung wala itong kaibigan,
Ang tapat hindi mang iiwan.
Balewala ang kasayahan
Kung wala ang may kaarawan,
Ang kikitil sa kapanglawan.
Walang silbi ang regalo
Kung hindi bubuksan sa puso
Ang Dios sumaatin, si Kristo.

Kung Walang Kaibigan

Ano ang tao sa Manlililok,
hindi ba walang hugis na putik?
Ano ang dangal kahit maabot,
kundi naglalahong panaginip?

Saang sulok nitong walang hanggan
magsusulit ang kadakilaan,
kung kaluluwa ay huhusgahan
sa hukumang kataas-taasan?

Ang nais kaya’y magawang bilhin;
anupa’t pati mundo maangkin
ng ginto at batong mamahalin,
kung haharap na sa takipsilim?

Sasapat ba ang galing ng dunong,
kung ligaw pag aso’y umalulong?
Nasaan ang pag-asang inasam;
kung doon sa lambak ng kawalan,

tatawid ng walang Kaibigan?

Dahan Dahan

At kung baka sakali lang naman
Hindi mo alam, o nalimutan
Kung paano kita tinitignan
At pa’no pinahahalagahan [Read more…]

Bigo Ma’y Ayos Lang

Marahil nga ay tama                                                                                                                          Damdamin kong nadama                                                                                                    Bagamat ito’y tugma                                                                                                                  Sapat nga ba o wala?
[Read more…]

Kaibigan

Paligid ay nagiging makulay
Ngiti sa mga labi’y laging sumisilay
Buhay sa piling nyo’y walang lumbay
Sa tuwing kayo’y aking kasabay.

Problema’y saglit na nawawaglit
Lungkot at pangamba’y naaalis kahit saglit
Sa tuwing kayo’y aking kasama
Araw ko’y walang kasing saya.

Hatid nyo’y laging saya’t ligaya
Kung may lungkot sa aking mga mata
Handa rin kayong umagapay at umalalay
Kapag nangangailangan ako ng isang karamay.

Kaibigan, sa lahat ng araw na ating pinagsamahan
Sa lahat ng mga halakhak at ngiti
Na sa aki’y iyong ibinabahagi lagi
Taos puso akong nagpapasalamat ng marami.

Mumunting Kaibigan

Meron akong isang mumunting kaibigan…
At oo totoo na siya ay mumunti lamang (hahaha)
Maaliwalas ang mukha at nakangiti…
Di ko namalayan, ako din pala ay nakangiti…
Ano ba ito? Ako ay masaya kapag kasama kita…
Tamang kwentuhan, kulitan… Sakto lang…
Masaya ako, nakangiti ka, mga sandaling di sinasayang…

Un nga lang di ka naman komportable sakin…
Minsan nga halata naman na ayaw mo ko kasama…
Ayus lang, may mga bagay naman di napipigilan…
Lang magagawa kundi hintayin na lamang…
Na maging magaan na muli ang loob mo sakin…
Sana naman magbalik na ung bagay na aking iniingatan…

Ang sakit naman nung sinabi mo na nakukulitan ka sakin…
Hehe di na nga ako mashado magkukwento ng kung ano…
Ayoko naman kasi na makulitan ka ulit sa akin…
Sayang naman, la na ung kwentuhan, dibale, ayus lang yan…
Ang hirap lumapit, baka kc makulitan ka nanaman…
Mangyari na ang dapat mangyari, dapat dito hayaan nalang…

Ayus lang naman… kahit di ako katulad ng turing mo sa iba…
Masasabi ko lang, maasahan mo ako pag me kelangan ka…
Wag ka mahiya humingi ng tulong, di kita pababayaan…
Dba ganyan naman ang kaibigan? Walang iwanan?
Kahit di ako dakila tulad ng iba, masasabi ko di kita iiwan…
Shempre, mahal ko ang aking mumunting kaibigan…