yakap ang waksi

kalachuchi na lagas

hilam ng gabi

nakalutang sa dagat

lantad sa tagulham

naglalakbay ang ulap

hinog na buwan

sinusuob ng dagat

Hindi Ngunit Dagat

Hindi ito dagat
para masukat
ang lalim o babaw,
hindi rin naman alon
para bantayan
kung gaano nito kadalas hagkan
ang dalampasigan.

Ang mahalaga,
dagat din naman,
kung paanong
ang pusod nito’y iisa,
gayundin itong pag-ibig ko sa’yo sinta.

hiyas sa dagat

magdamag tuminanglaw

tibay ng lipad

itinaas ang ilaw

Kiri ng Dagat

Mahal…
waring nakikiliti ang dagat
tumitilamsik sa iyong mga kawag
gaya ng singhap ng mga isda
ang dagat ay mumulaklak.
[Read more…]

Dagat Ang Lawak

Baha lumigwak
sa pusod nitong lambak
dagat ang lawak