may paalam ang hirang

halik ng paruparo

lapit sa ilaw

kumaway na anino

Anino

Dalaw ka saglit;
sabi mo alas otso,
kaya nasabik.

Gulát lang ako
sayong isang anino,
dalawa ulo.

Anino

Masdan ang angal ng gubat,

dinggin ang ungol ng lupa,

ang hilab ng mga bato

pati halinghing ng hangin.

Nagpapahiwatig lahat

ang dulot nilang biyaya,

…na pawang mga anino.

sumasamo na anino

humuni ang agbaan

saksi sa bagyo

agipo ng bagtican

Anino

Nag iba itong anyo

nang sya’y masukol

sa sariling anino.

02.17.11

Iisang Anino

Pabugso-bugso puso

dalawang bagyo

sa iisang anino

02.14.11