Akrostik

GRACE

G reat
R esults can be
A chieved by
C orrect disposition and
E valuation

11-10-14

G od
R eward those
A ctions that are
C entered in His will and
E xemplify love to mankind

11-13-14

Pag-Ibig

Ito’y isang malakas na damdamin
Na kung minsa’y ayaw aminin
Dahil parang nahihiya
Subalit sa loob ay natutuwa
Pag-ibig sa isang katipan
Ay huwag nating pagti-tripan
Pagka’t kung siya’y magtatampo
Ay tila isang malakas na bagyo

Kaligayahan mo ang nakataya
Kung siya ay mawawala

** Ito rin yung tulang sinulat ko nitong Huebes nang pasulatin kami sa seminar na aking dinaluhan.

Bakit Kita Mahal

ay bahagi ng buhay
tulad ng katotohanan at kasinungalingan
ng ligaya sa tuwa at luha sa kalungkutan
nang tingin sa kawalan sa lakbay-diwa
ng isipang pinanawan ng aliw

Naroong masarap lingunin ang tamis ng nakaraan
hinihila ang mga labi sa pagngiti
o bumalong ang mga butil ng tubig
sa pisnging inaagusan kung manumbalik sa alaala
ang tusok sa puso at dagan sa dibdib

Hindi maiiwasang lingunin ang kahapon
ayaw mo man
sa iyong kalumbaba
sa iyong paghiga at pagpikit
sa mga buntunghininga
ang mga alaala ay sumisingit

Ang ligaya ng saya
buntunghininga ng kalungkutan
ang katotohang hindi maikakaila
nitong pusong pumipintig
ay nangungusap
kung bakit kita minahal

Luanda, Angola
03-Jan-13

Wala na

Naglalakad sa dalampasigan,
Nang may makasalubong na kaibigan,. .

“Kailan ka pa dumating?” tanong ko,
Sagot niya “Ah, non pang isang Linggo,

Natuwa sa narinig at nasabi ko,
“Mabuti dumating ka nang panahong ito”
“Kung nakaraang buwan, baha pa rin dito”

10-12-12

Aking Ina

Hindi ka man isang pintor

Na nagpinta ng mga tanyag na larawan  sa Roma,

Ngunit haplos ng  pagmamahal mong wagas

Sa loob ng tahanan mo’y iyong  ipinamalas.

Kahit hindi ka isang manunulat o makata

Na pwedeng  magsulat ng mga  mga sikat  na aklat at tula,

Ang malawak at mayaman mong kaisipan

Sa pagiging ina mo lininang at binigyan ng katuturan.

Hindi ka man  marunong sa pag-ukit ng walang pormang kahoy o bato

Pati na rin sa paglilok ng mga marmol na tao,

Ngunit daig mo pa ang isang dakilang iskulptor

Sa paghubog mo sa katauhan ko aking ina.

Kahit hindi  ka nagpatayo  ng  anumang simbahan

Na  pwedeng pagluklukan ng  mga santo  at diyos-diyosan,

Ngunit  sa pamumuhay mong may kabanalan

Mismong si Jesus, sa puso mo’y nananahan.

Kung biyayaan ako ng Diyos ng talento

Gaya ng angking talino nina Raphael at Michaelangelo,

Oh! Isang natatanging Madonna ang paglalarawan ko sayo

Aking Ina.

 

 

Mahal

Mahal
napakatahimik
walang imik ang paligid
walang bulong maging hangin
ni ang presensya mo
ay ayaw magpahiwatig.

Sobra ang lungkot ng paligid mahal
hindi tulad noong sa ati`y
maharot at iskandaloso
ang mga imik.

Hinahanap-hanap ko mahal
ang matingkad na rosas
na kulay sa ating mga dingding
ang tabil ng ating mga bulong
na sa unan natin ay nagkukubli.

Kung maalala ko mahal
ang lampungan sa ilalim ng kumot
masagwa ngunit sakdal tamis
nananalo ang ngiti
sa aking mga labi.

Ngayon mahal
isang sementeryo ang palibot
ang pintuan ay bukana ng libingan.

Halika mahal
tulungan akong magpanag-uli
ang paraisong langit.
Daluhan ako at papagbawahin
itong matinding kalungkutan.

Luanda, Angola
11-July-12

Sa paglipas ng takipsilim

Sa tuwing aking naiisip
Ala-alang sa puso ko’y nakaukit
Sa aking isipan at panaginip
Ikaw ang laging gumuguhit

Sa tuwing sasapit ang umaga
Iniiwasan na maala – ala
Mga sandali sa iyong piling
Lalo na’t sa pagsapit ng takip silim

Takip silim na dati ay hinihintay
Naging makulay na parte ng aking buhay
Pagkat ikaw ang siyang kaulayaw
Hangang pagsikat ng Haring Araw

Subalit minsan ay nagbabago
Maging ang damdamin ng bawat tao
Katulad ng paglipas ng takip silim
Sa pagsapit ng gabing madilim

Nangangapa man sa kadiliman
Hindi pa rin pinapanawan
Ng pag-asa na masisilayan
Ang ngiti nitong bukang liwayway

Lumipas man ang takipsilim
Dilim ng gabi man ay dumating
Hindi kailangang matakot o manimdim
Umaga ay sisikat sa aking pag gising

Sa Pag-iisa

Kung minsan
kay hirap masumpungan
ang ngiti sa labi.

Anong kalungkutan !

Kung minsan
mismo ang sarili ay kalungkutan
awit ng sarili ay hindi marinig
hulog ang boses
sa ngalangala.

Narito
pinakikinggan ang awit
sa magaspang na dagat.
Dumarating ang mga alon na may lambing
tulad ng iyong boses na kinagiliwan.

Narito
sa mabuhanging dalampasigan
ang gapang at subo ng dagat
ay bumabasa sa mga paa
at gumigising ng puso.

Luanda, Angola
25-May-12

Takipsilim

Sa bawat araw na dumaraan

dapit hapon ay hinihintay

nanabik na masilayan

mga ngiting sayo’y nanahan

at pagsapit ng takip silim

kay saya ng bawat sandali

pagkat makakapiling na kitang muli

kahit batid kong ito’y mali

mga ngiti sa yong labi

mga ning ning ng yong mata

ito’y nagiging kagalakan

sa puso kong nangangamba

pagsapit ng hating gabi

sabay sa pag lubog ng buwan

kasabay na pumapanaw

umaapaw na kagalakan

hindi mawari ang iisipin

sa magdamag na pagkagupiling

pananabik sayo aking giliw

pilit akong ginigising

ngunit aking dinadalangin

matapos man ang takip silim

sa pagsapit ng bukang liway-way

ako pa rin sana ang iyong mahal

By:egt

Pakiusap

“Pakiusap aking mahal

ako’y huwag mong iiwanan”

yan ang mga katagang

laging binibitawan

nang aking damdaming

ikaw lang ang sinisigaw

at nitong abang puso kong

tigib ng kalumbayan

nang dumating ka sa buhay ko,

ang lahat ay nabago mo

at naging makulay din

ang bughaw ko nang mundo

ikaw ang naging inspirasyon

sa bawat mithiin ko

at tila bawat tibok ng puso ko’y

nakalaan lamang sayo

ito’y aking tatanggapin

ala ala ng nakaraan

tataglaying kayamanan

bawat pintig ng puso ko’y

ikaw pa rin ang isisigaw

pakiusap lang sa iyong paglisan

baunin mo’ng aking pagmamahal

huwag hilingin sa akin,

na ika’y aking kalimutan

pagka’t yan ay di ko magagawa

habang may buhay na taglay

at patuloy na aasa

maging hangang sa kabilang buhay

by:egt

Ninong

Aking nasilayan sa aking pagdalaw

Kalagayan ng isang taong sa akin ay naging tatay

Pilit nakikipag laban sa tawag ng kamatayan

Iyan ang aming si ninong, tinatawag na ng may kapal

Kung aking gugunitain, mga araw na nagdaan

siguradong luha mo’y di mapipigilang daratal

sa mga ala-alang kanyang iiwanan

pagkat marami sa atin ang inilapit nya

sa Diyos nating maykapal

aking na aalala noong sya’y malakas pa

hindi ka magsasawang siya ay makasama

pagkat puso mong nalulungkot ay muling sasaya

sa kanyang mga biro ika’y lubos na tatawa

sa aming simbahan sya ang aming tatay

at ninong ng lahat ng aming kapatiran

kung puso mo’y nalulumbay at tigib ng dusa

sa kanyang payo ika’y muling magsasaya

Damang dama ko pa, ng pumanaw ang aking ama

ang yakap ni ninong sa akin ay nag pakalma

tunay na pagdamay nya ay aking damang dama

sa aking kapanglawa’y siya ang nagpasigla

Kaya naman po O Diyos ..ang aming Dalangin

Buhay po ng aming si ninong inyo pang palawigin

Upang maging instrumento sa inyong mithiin

At muling makasama namin, kung inyong mamarapatin

subalit mahirap man kung ating iisipin

ang lahat sa mundo ay may katapusan din

tulad nang buhay ng tao na hiram lang natin

sa Diyos na may kapal na syang may lalang sa atin.

BY:EGT

Narito Ako

kalmado
kahit tigib lungkot
sa asim ng gabi

kapagurang pumatong sa mga tamis
ng mga talaksang alaala
hanggang makatulog

hindi tulad noong baon ko ang iyong labi
sa aking higaan.

Luanda, Angola
Huwebes
01-Dec-11

Pagluha ng Alon

Alanganing lahat ang daigdig kong ginagalawan noon, malabnaw pa ang sabaw na bumabatis sa puklo ng aking kiwal na ilog, marami pang katanungang umuukilkil sa aking diwang minsa’y ikinapipikit ng mga mata ni ama. [Read more…]

Dila Ng Kaligiran

Ang dila ng alon ay bubog na pilak,

Yumuyukong palay sa masigwang dagat;

Naroong itaboy ng hanging habagat

Sa dalampasigang maraming alamat.

 

Ang ila ng hangi’y lipos mapagbadya

Ng mangagaganap sa lawang Laguna;

Kapag ang dayaray nanigid sa tenga

Asahang may bahid lamig ng ginhawa.

 

Ang dilang amihan paglikas sa bundok

At ang tinugpaha’y ang lawak ng laot,

Asahang hinagpis at lumbay ang dulot

Sa nangaglalayag sa pusod ng agos.

 

Ang dila ng kidlat kapag nanunudla,

Ang banig ng langit ay di mapayapa;

Dahil ang kabuntot dundong abot-lupa

Ng kulog na tila higanteng barada.

 

Ngunit ang dila ko pag aking nakagat,

Ang naalala ko’y nabigong pangarap.