Sugal

Pampalipas oras sa araw na matagal
Pampa-alis inip sa gabing mabagal
Gobyerno’y ginagawa ng legal
Ang libangang kung tawagin ay sugal

Karera at casino sa mga pulitiko
Jai-alai at jueteng sa publiko
Tong-its at ending sa ordinaryo
Lotto naman sa mga ambisyoso

Maraming tao, sugal ang ikinabubuhay
Laging mong makikita saan mang lamay
Wala kasing reyd sa ginamit na bahay
May libre pang kape at konting tinapay

Ba’t may mga taong sa sugal ay galit
Laging iniisip ang masamang kapalit
Di niya ba alam na ito’y sang pagsusulit
Na para sa lahat, kahit ikaw pa ma’y paslit

06039919gdsuanjr

Latest posts by Gerry D. Suan Jr.

Share and enjoy...

If you enjoyed and liked this post, LIKE it on your Facebook. Consider also leaving a comment below to share your thoughts with others.
avatar About Gerry D. Suan Jr.

sa hayskul, masuya ako sa mga estudyante na mahibayo maghimo nan tula. maski unhon nako pagpilit, dugo na lamang ako ilong, way ako mahimo. 1997 nan nag eskuyla ako sa manila, way wawart ugsa way uyab permi...feb. 14, 1999, nakahimo ako nan tula para sa ako kadate. kadate na pulutan.. the rest is history... ingats & enjoy reading...

Speak Your Mind