Si Farah Lhuman

Sa tuwing siya’y nag-iisa

Sa kalangitan nakatingala

Isipan ay nakaalagwa

Damdamin ay nangungulila

 

Puso niya ay sugatan

Sinubok ng kapalaran

Tindig niya’y nabawasan

Mailap makipagkwentuhan

 

Bigat ng kanyang nararamdaman

Di maarok, di mailarawan

Sa tindi ng pagdurusa’t pinagdaanan

Kalikasan lamang ang tanging kaibigan

 

Kapag bumubuhos na ang ulan

Mistulang palakang natubigan

Ngiti niya’y doon lang masisilayan

Boses niya’y doon lang mapapakinggan

 

Dapyos ng malamig na hangin

Sa tuwina’y nais niyang namnamin

Kahit gabi pa ay lumalim

Nakadungaw pa rin sa bintanang malihim

 

Mga kaluluwa ay umaali-aligid

Subalit pintuan ng puso’y di mabatid

Lagusan kaya’y maluwang o makitid

May puwang pa ba o marami nang nakasilid

 

Tanging panahon lamang ang makapagsasabi

Kung  kailan muling mahahalikan ang kaniyang mga labi

Kung kailan muling titibok  kaniyang puso

Kung kailan muling iinog sa tunay na mundo

 

Si Farah Lhuman

 

 

 

 

 

Latest posts by Catherine Agunat

Share and enjoy...

If you enjoyed and liked this post, LIKE it on your Facebook. Consider also leaving a comment below to share your thoughts with others.
avatar About Catherine Agunat

The eldest child of Mr & Mrs, Luvimin Pimentero Agunat. Born last October 26, 1981 at Suyo, Ilocos Sur and currently working abroad.

Speak Your Mind