Si Ama’t Si Ina

Sa isang mag-anak ay meron pa kaya
Na sa ama’t ina’y higit pang dakila
Na kahit sa angkang mahirap nagmula
Ang para sa anak, lahat ay ginawa

Sa paaralan ay di man nakatuntong
Mataas na aral di man nagkaroon
Nabigyan ang mga anak ng pagkakataon
Na sa kahirapan ay mangakaahon

Di man napatira sa bahay na mansion
Ng malaking yaman di man nakaipon
Ang yaman nila ay sa anak naroon
Wala sa salapi kundi edukasyon

Ang amin pong ina ay tubong Montalban
At ang aming ama’y San Mateo naman
Ng anim na anak ay biniyayaan
Hanggang sa lumaki’y pawang ginabayan

Sa tamang ugali sila ay hinubog
Marunong magtiis kahit kinakapos
Mga pinalaki na mayroong takot
Sa batas ng tao at batas ng Diyos

Nang ako’y bata pa, natatandaan ko
Ang aming almusal lamang ay kung ano
Pan de sal na simple at walang palaman
Kapeng walang gatas lamang ang kasabay

Kung bakit gano’n lang, di dapat pagtakhan
Ay sadyang matipid ang aming magulang
Di ubos-biyaya kung may tinago man
Ang bukas ang laging pinaghahandaan

At tanda ko pa rin na kapag Deciembre
Sa Divisoria na sila’y namimili
Ng tela, damit at iba pang kalakal
Upang ipamalit ng tag-aning palay

Kaya laging puno yaong aming bangan
May pambentang bigas at panglaman sa tiyan
Hindi man marangya ang hapag kainan
Sumala sa oras, kami’y hindi naman

Noong Second World War, hinuli ng Hapon
Ang ama at saka ikinulong
Tumingin sa amin habang wala siya
Ay ang aming ina at wala nang iba

Nagawa niya iyon habang inaalam
Ang aming ama ba’y naroon kung saan
May dalang pagkain na pangtawid-gutom
Para sa ‘ming ama na hindi matunton

Ginawa niya iyon lakad-takbo lamang
Sa panahong iyon na walang sasakyan
Hindi iniinda ang init ng araw
Ng tungkol kay ama’y makabalita lang

Ang pasasalamat namin ay sa Diyos
Nang higit sa isa, dalawang linggo halos
Ang aming ama ay bigla lang sumipot
Yayat na katawan may sugat at galos

Ikinuwento niya hirap na sinapit
Sa kamay ng mga sakang na pa’y singkit
Dahil daw sa gutom at matinding uhaw
Sila ay uminom sa isang t-t bowl

Sa bawat pamilya ay may’rong bayani
Na ng karangalan ay dapat umani
Sila’y walang iba kundi ang magulang
Na dapat mahalin at ating igalang

Latest posts by Pacific Hernandez

Share and enjoy...

If you enjoyed and liked this post, LIKE it on your Facebook. Consider also leaving a comment below to share your thoughts with others.
avatar About Pacific Hernandez

A graduate of Associate in Commercial Science from the then Philippine College of Commerce, worked for eight years as a secretary in a local commercial bank till the 1970s. Resigned and went into handicraft producing business until 1982. Went into school bus service for a while, contributing to a local comics and magazines publication as a sideline, then wrote illustrated short stories and novels full time till 1995. He is now a reitred pensioner, in bird keeping and breeding as a hobby, occasionally writing poems.

Comments

  1. Panahon ng Hapon, may isang himalang gumitaw sa mga gerilya.

    Nilulukob ng isang tutubi ang buong isla ng Talim at binabagsakan ng bomba ang mga kanayunan, ngunit ang kapilya ng aming mahal na Patrong San Francisco de Assisi ay hindi man lamang natinag bagkus ay sa lawa bumabagsak ang inihuhulog na bomba ng mga pilotong hapones.

    Tula nang tula!

    Tata

  2. GOD COMMANDS
    HONOUR THY FATHER AND THY FATHER

  3. avatar Joel Pillo says:

    hmmmmmmmmmmmmm………

  4. avatar Jissabel Udtohan says:

    ehemmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm…………….

  5. avatar Aleenah Medina says:

    sipag gumawa

  6. oo nga sipag gumawa.

  7. ?

  8. avatar Alyssa Belmonte says:

    oo nga eh ganyan momee ko at dady ko.

  9. avatar Mirasol Cartago Salvador says:

    ang cute

  10. Ganda Nice One…

  11. ganda

Speak Your Mind