Sapatos
Sa daang mabato at maalikabok
Maging sa paligid na maraming bubog
Ang init ng semeto`y nakalalapnos
Sa paa natin kailanga`y sapatos
Sa ginigiliw mo kung ikaw ay popormal
Sapatos ay pakintabin nang magustuhan
Kung ito ay marumi isipin na lamang
Maruming sapatos ano pa sa tahanan
Sa kasayahan kung ikaw ay dadalo
Huwag na hindi magsuot ng sapatos
Huwag ka kapag tsinelas ang `yong suot
Don`n sa sulok mapipilitang magmukmok
Lalung-lalo na kung ikaw ay ikakasal
Makintab na sapatos siyang nababagay
Sa iyong paglakad paparoon sa altar
Biyana`y tatango sa iyong kakisigan
Maigi na sa pagkabata`y magsuot
Panapin sa paang tawag ay sapatos
Kakamtin ng mga taong ayaw magsuot
Ay mga paang -luya may kalyo at lintos
Luanda, Angola
Lunes(Segunda-feira)
11 Jan. 2010
13:10 H
Latest posts by Noel Reyes- Naaalala Kita - 4th August 2010
- Teka Lang Naman - 21st July 2010
- Pribilehiyong Mga Sandali - 19th June 2010
- Salamin Sa Mata - 27th May 2010
- Sa Ihip ng Hangin...Noon - 10th March 2010



Igan Noel,
Kumusta at mabuhay
Habang binabasa ko ang iyong tula ay inakala ko
na mayroong masasapatos,
Paumanhin, pero agad na pumasok sa isipan ko
ay sapatos na ipinambato kay Pres. Bush.
Akala ko ay may masasapatos sa dulo ng iyong tula.
May pamahiin nga ba na masama daw magregalo ng
sapatos o tsinelas sa minamahal, lalayo daw kasi.
May katotohanan ba ito o nagkakataon lamang.
Salamat Igan, at sana may kasunod ang iyong tula,
baka meron ka na “Panyo”.
dodie
Igang Dodie,
Musta igan.
Sa kanila na ang pamahiin igan…kung may de-goma ka d`yan igan may ngiti sa labi kong tatanggapin. hehehe
Iyong tulang “Panyo” igan kay igang Tata Raul yan hehehe
Pinasadahan nga ako ng ilang taludtod sa isa kong tula sa nakaraan. Okay din iyang si Tata Raul, tinawagan ako noong pasko at bumati.
Igan maraming salamat ha. Musta rin sa iyong pamilya.
Luanda, Angola
12 Jan. 2010
Martes (Terça-feira)
07:13 H
Salamat Igan,
Sa iyong pagbabalik,
kung ano ang iyong nais na sapin sa paa.
Kay Tata na pala ang “Panyo”, nakalimot ako.
Hindi raw siya makapag on line, sira yata computer/internet.
Igan, mahalaga ang SAPATOS maging saan man ito gawa
parang may kulang sa iyong tula o ayaw mo lamang
banggitin.
Sa ating huling paglalakbay, may sapatos ba tayo?
Salamat muli Igan
dodie