sakit ng katawan
ang pagal na katawan ay di na dumadaing
sa kapaguran ng isip ay tila wala ng malay pa
nanghahapding mga mata
sa temperaturang patuloy sa pagtaas
sa dami ng agiw ng isipan
ay hika ang inabot
ang tila kumukulong putik ng loob
ay parang bulkang isinabog ko
oo, isnigaw ko ang baho ng pagkatao
ang kanilang basura ay aking isinabog
talim ng aking salita ay ipinamalas
ngunit nakalimot, ako’y mahina
sa banig nakaratay ngayon
dahil ang puso ay di sing tatag ng isipan
laman ko’y sumuko
di kinaya ang buhawi ng imosyon
walang ibang inabot kundi sakit ng katawan
Latest posts by shayra- pebrero 2010 - 13th February 2010
- naghihintay na ako heart - 28th January 2010
- bandage - 20th January 2010
- i lost - 18th January 2010
- ang lungkot pag nagiisa - 24th December 2009


Kay Shayra,
Ang himig ng tula
ay totoo kaya,
Hindi naman sana
ngayo’y nakahiga.
Puso’ng napagod na
isip ay kaya pa,
Magdilat ng mata
buhay ay masaya.
… DcD/dodie
ang isipin ay totoo
ang aking pagkatao ay repleksyon ng aking damdamin
pansamantala iniwan ako ng aking ispirito
at nagkulay abo ngunit, wag mangamba
ito’y pansamantala lamang
ako’y muling babalik dala ang bahaghari
at magsasabog ng kulay
kay Shayra
Ako’y maghihintay
na Iyong balikan,
Damdamin ay buhay
pangamba’y iniwan.
Bahaghari’ng tangan
iba’t-ibang kulay,
Puso at isipan
ligaya ang tanaw.
.. DcD/dodie