Sa Isang Nilalang na Nilamon ng Agos
Kaibigan,
Ano ba ang problema?
Hindi lalaya
Kung ibabaon ang sarili, ipagsisiksikan,
Sa Disyertong mayroon nang nagmamay-ari.
Huwag! Huwag pagagapi sa talas ng dila
sa talim ng pluma,
sa nagtatayugang ideya.
O ‘di kaya’y
Sa naghuhumindig nilang pilosopiya.
Sila’y inukit ng kanilang panahon!
Namnamin na lamang
ang pagkakatagpo ng iyong diwa
at kanilang panahon!
(At, maaari’y, dito sisibol, hangad
ng pulso.)
hasain ang matalim na pluma
sa buhay-na-bato
na naglalaro
sa iyong bungo.
Walang masama!
Walang mali!
Sa pag-asam
na makapiling ang mga Bituin
o makiluha sa bulaklak
o makilala si Anto
o makihati sa pandesal ni Magdalena .
Ikaw’y ikaw,
Siya’y siya,
Sila’y sila.
Ako’y ako.
Ngunit, ang ikaw ay maaaring
maging
Siya.
Sila.
Ako.
Kung iiwasan, tatalikuran, ang pagputong ng sarili, pagniig
ng anino
sa Plaridel ng Disyerto!
Latest posts by m.j rafal- Ikaw Na Lumisan - 26th August 2010
- Kung Bakit Pula At Hindi Bughaw Ang Dugo - 5th August 2010
- Nang Magkuwento Ang Ama Sa Anak - 14th July 2010
- Sinigang - 4th June 2010
- Trahedya Ng Pulubi - 4th June 2010


