Sa Ihip ng Hangin…Noon
Nakangiti ang siwang sa dingding
Doon sumilip ang mapanudyong hangin
Inilililis ang aking isip
Hinahalaw ang masasayang sandali
Sa Nayong Pilipino…minsan
Sa lilim ng puno ay sandal sa isa`t-isa
I lab u ang bulong kay mahal
Ungol ang naging tugon ng labing natakluban
Gaya rin sa Luneta…minsan
Kung bakit sa pagkakasalampak sa damuhan
Napuputol ang kuwentuhan
Nagsabisagrang labi at mata ang dahilan
May kakaibang saya noon
Ang hangin ay naninilip sa mga pasyalan
Mga takaw-nakaw na pusong
Sa lilim nagkukubli ng punong malalabay
Luanda, Angola
10 March 2010
Miyerkules
05:07 H
Latest posts by Noel Reyes- Naaalala Kita - 4th August 2010
- Teka Lang Naman - 21st July 2010
- Pribilehiyong Mga Sandali - 19th June 2010
- Salamin Sa Mata - 27th May 2010
- Lambak ng Kamatayan - 24th February 2010


