Rod Escobin

emanilapoetry: What draws you to express yourself through poetry and what drew you to poetry in the first place?

Rod: Hindi ko hinangad ang maging makata kailanman. Ang aking landas ang nagdala sa akin sa panulaan. Ang gusto ko primero ay maging nobelista. Nagsimula ang lahat nang ako ay magkagusto sa isang dalaga sa pareho kong pinapasukang trabaho noon. Magkaiba kami ng Department at section ng pinapasukang trabaho. Isa akong clerk at isa naman siyang writer. Dahil sumisinta, ninais kong sumulat ng isang nobela upang nang sa gayon ay aking maipag-parangya sa kanya lalo na kung ito ay mapapublish. Sinimulan ko ang pagsulat. Ang pagisip ng pamagat. Lahat.

Natuklasan ko na ang writer nito ang siyang nagdidikta kung ano ang gusto niyang mangyari sa istorya. Kailangang ito ay makahuhuli ng interes at kasiyahan ng mambabasa. Maging makatotohanan ang mga isinasaad upang lalong maging epektibo. Nakakatuwa, tuwing umuuwi ako sa boarding house noon ay ito ang aking ginagawa, Sumusulat sa isang malapad na notebook. Itinuring na isang libangan, kabanata kada kabanata. Tapos piniprint ko sa opis, gamit yung likuran ng mga scratch papers. Sinimulan ko nang taong Hulyo 1998 at natapos ko sa taong Agosto 1999.

Para bagang may kung anong nangyari sa akin nang maisulat ko ang salitang WAKAS. Naghuhudyat ito na tapos na ang nobela ko. Ako’y napaduwal. Parang may nabago sa akin. Di ko kasi akalaing makatatapos akong sumulat ng isang nobela. Lahat ay isang pagbabakasakali lamang. May 14 na kabanata, 140 pahina, Epilogo, sa short bond paper.

Ang mabigat kong naging problema ay ang paghanap ng publisher. I think naka-tatlo akong publishing company na pinuntahan. Iniaalok kung gusto nilang i-publish ang nobela ko. Yung ikatlo medyo na bad-trip ako dahil tatlong beses akong pinabalik. Yung second ipinakita pa sa akin ang result ng Form na aking sinubmit at nakita ko sa form na tsinekan nila ang box na Publish at ito raw ang desisyon ng panel of editors ng kompanyang iyon. I-pupublish daw nila May tatlong box doon sa form 1. reject 2. Return to author, then yung 3. publish. Ito yung may check. Pagbalik ko the third time sinabi na lang bigla sa akin na hindi raw nila priority ang magpublish ng ganoong klaseng sulatin. Ayaw raw ng pinakamanager. Nakakainis nga eh dahil puro guri at corrections nang ibalik sa akin. So to cut the story short, walang nangyari. Walang publish novel, so wala akong maipagpaparangya sa aking sinisinta. Walang nangyari sa akin sa babaeng yon (if you know what I mean). Isa pa siguro ay dahil sa isa lamang akong hamak na clerk. Well, I continue on with my life and considered myself as one of those frustrated writers. Nawalan na ako ng gana sa hilig na ito. “Forget it” ika nga ng mga Kano.

Then nitong panahon nating ito, nauso ang internet. I think mga 2005-2006 nang magsimula akong magpaturo sa isa kong kaibigan kung paano magkaroon ng e-mail. Magpractice magsend ng message. Isa na akong guro sa high school nang mga panahong iyon. Pagkatapos ng e-mail, sumasali na sa mga social networking. Baka makakita ng maliligawan, magiging asawa. You know, that kind of stuff. Nagseryoso ako sa Myspace. I heard about blogging. Na ito raw ay pagsusulat ng kung anu-anong sulatin that might be of interest. Ayoko noong magblog. Sabi ko ay wala rin namang mangyayari. Wala ring mag-aapreciate niyan. Mas nag-focus ako sa paghanap ng Friends at maliligawan sa internet.

Heto ngayon, minsan nagbasa ako ng blog ng isa sa aking naging friend sa Myspace. Foreigner ito. Sinabi ko na maganda ang tula niya, maganda naman talaga kung sumulat. Nagreply siya, nag thank you siya. Doon nagsimula. Sabi ko susulat din ako ng tula at magcomment siya kung ano ang kanyang masasabi. Maganda raw (ewan ko kung inuuto lang ako o out of sympathy dahil friend ko). Ayun palitan na kami ng comment sa bawat tula naming naisusulat. Dumami ang friend kong poet. Nakakatuwa, English pa kung ako’y sumulat. Mas istrikto pa nga ang Filipino sa pagsulat ng English kaysa sa mga foreigner o American (its only my opinion). Nagkaroon pa ako ng banner ng dalawang poet society. Mas gusto ko yung Myspace Society of Poets na banner. Sa Myspace ako unang nakilala bilang poet. Dito ako nasanay. Kapag ako’y sumusulat ng tagalog, pinatatranslate sa kin ng kaibigan kong Foreigner. Doble trabaho, okey lang kasi ito sa mga Filipinong makababasa eh.

Sa puntong ito ako nagkaroon ng longing to belong to a Filipino Poetry Club like emanilapoetry and the rest was history.

emanilapoetry: How do your current posts compare with the first poem you published in emanilapoetry?

Rod: Hindi na siya kasing “tighter” tulad ng mga luma ko nang na-iipost. It is written more freely, more soothing. Though, my older posts including the first one has more finesse. Ang tunog ay mas sukat. Pero lahat naman sa palagay ko ay maganda. Kayo ang makapagsasabi bilang mambabasa.

emanilapoetry: As you are attracted to words, how do you feel about the way language is being used in today’s world?

Rod: Hindi ko naman kasi iniisip ang mga bagay na yan. Mas focus ako sa pamamahayag nang sinasaloob ng aking isipan at damdamin kung tumutula. Anuman o kung anumang salita ang baon ng aking sarili. Pero bilang sagot, nagbabago na dahil sa mga pagbabagong nagaganap sa ating lipunan. Ang nadaragdag na salita dahil sa modernisasyon, teknolohiya, pagbabago ng uri at kung paano mamuhay ay nakaaapekto sa pagsulat. Ang mga tulang tumatagal kahit lumipas pa ang maraming panahon ay dakila gaya rin ng mga awit na di malimutan. Ipinapasa sa mga sumusunod na henerasyon.

emanilapoetry: One emanilapoetry member once commented; “Pag mas marami ang nahihikayat maging makata sa isang bansa ay mas yumayabong ang kultura ng bansang iyon” In what way or ways can poetry enrich a nations culture?

Rod: Natutuwa ako sa salitang “nahihikayat” maging makata. Ibig sabihin ay nagkakahilig. Totoo, yumayabong ang kultura sapagkat sa mga tao’t, mamamayan nagmumula ang kultura. Kung paano sila mamuhay. At kapag sila’y nahilig sa pagsulat ng tula, tumula, ay lumalabas ang mga katotohanang dapat nating matanto sa buhay. The realization of our existence in this world can be thoroughly express in poetry. May itinuturo o ipinaaalam na hindi nakikita ng mga mata na tanging sa loob ng tao madarama na labas naman sa mundong ito. Ang bagay na ito ang nagpapayaman sa ating kultura. Isang napakagandang regalo buhat sa Diyos ang maging makata. Hindi lahat ay may ganitong biyaya, may hilig.

emanilapoetry: Any advice you have for those who want to have hands on poetry?

Rod: Mag-enjoy lang bilang isang makata. Ang isang bagay na gusto ay tumatagal. Ang isda ay para lumangoy. Ang agila ay para lumipad sa himpapawid. Ang aso’y kumakahol. Ang tandang ay tumitilaok. Ang makata nama’y tumutula. Makatang isinilang, lalabas ito sa iyo. Hindi man agad ay sa takdang panahon. Hindi mapipigilan dahil nasa sa iyo. Ang isang makata’y gaya ng isang ibong nakawala sa hawla gayong nariya’t kaharap mo lamang. Malalaman mo ito, madarama mo ito, ituloy mo lang kaibigang nais tumula.

emanilapoetry: Salamat, kasamang Rod, at naibahagi mo sa amin ang ilang makulay na kabanata ng iyong buhay.

More about Rod Escobin