Paningit

June 26, 2009
By Noel Reyes • Posted in Magsaya Tayo .

Meet Noel Reyes
Leave a response
Email this post to friends Email this post to friends

Masaya

May galak

May nginangata sa kanyang bibig

May kislap ang kanyang mga mata

Maluwag ang daloy ng hininga

Dibdib ay walang kakaba-kaba

Mata`y pumikit naglakbay-diwa

Bibig ay nangiti ng mabuka

 

Simple lang

Bakit nga

Hindi mahirap ipaliwanag

Walang usap na pag-uusapan

Hindi masyadong marikutitos

Wala ni gulong masalimuot

Walang kaartehan ni katiting

Dahil ano`t maluwag ang dibdib

Bakit magaan ang paa`t kamay

Kung bakit may sigla ang katawan

At nangiti ng maglakbay-diwa

Tsiklet ay masayang nginangata

 

Trabaho

Nang hapon…

Sarili`y sinipat sa salamin

Suklay na ang manipis na buhok

Beer sa pondahan ang nasa isip

Pasumandaling kalilimutan

Ang kanyang pangungulila`t pagod

Sa bulsa`y binunot ang pitaka

 

Paldo !

Bagong suweldo !

Saka uwing pumapaswit

 

Luanda City,  Angola

Latest posts by Noel Reyes

8 Responses to “ Paningit ”

  1. ham8113 on July 7, 2009 at 3:29 pm

    Noel,

    Katulad ng balikukong mundo, mahirap nang mawala ang mga isang-araw na milyonaryo.

    Ham

  2. Noel Reyes on July 8, 2009 at 5:49 pm

    Ginoong Ham,

    Kasama po ako sa isang araw na milyonaryo.
    Nakatutuwa minsan ay sumisingit din ang saya.
    Ang mayayaman, lamang lang sila sa bilang ng araw.
    Sila, ako – saya`y pareho rin naming nararanasan.
    Maraming salamat po sa pagbasa ng aking tula.

    Noel
    Luanda City, Angola

  3. ham8113 on July 8, 2009 at 6:37 pm

    Noel,

    Mas masarap namnamin ‘yung alam mong limitado ang taning. Huwag lang huling hapunan o habilin.

    Hayaan mo lang malamangan, iisa lang naman ang sandaigdigang pamantayan. Kamatayan o buwis, lamang pa nga tayo kung ibabatay sa huling tuos (kung totoong nagbabayad ang mayayaman, hehe).

    Ham

  4. blue angel on July 8, 2009 at 7:35 pm

    ganyan noong wala pang pamilya
    tila ba tuloy lang ang ligaya
    pinaghirapan ng ‘sang kinsenas
    sa luho’t bisyo tyak malilimas

    nguni’t ngayong may asawa’t anak
    kinsenas mo’y tila ba di sapat
    pambayad ilaw, tubig at utang
    wala pang gatas, kanin at ulam

    kaya’t hanggang maigsi ang kumot
    hala e matutong mamaluktot
    kamukat mukat mo’y may sigalot
    mabuti na ‘tong may madudukot

  5. Noel Reyes on July 9, 2009 at 12:13 am

    Sir blue angel,

    para mong ng kinopya
    nakaraan kong buhay
    buhay sige sige lang
    noong ako`y binata

    nang may asawa`t anak
    sa gudtaym tumatakas
    sabi sa kaibigan
    quit muna`t walang bigas

    maigsi na nga kumot
    eh wala pang madukot
    heto na sa malayo`t
    pinipilit magsuksok

    …hehehe hirap ng madalian
    Sir blue angel ikaw kasi naku… buhay ofw
    Tuwang-tuwa ako sir blue angel sa komento n`yo.
    Maraming salamat po.

    Noel
    Luanda City, Angola

  6. blue angel on July 9, 2009 at 12:29 am

    Noel, bagong kaibigan
    di po kabaro ni Adan
    nagkomento kamakaylan

    pero ayos din lang naman
    mahalaga’y nalapatan
    kakatuwang kaisipan c”,)

  7. Noel Reyes on July 9, 2009 at 12:49 am

    blue angel,

    buti na lang angel ka, paniguradong malambot ang puso.
    aba`y kung ikaw ay manalita, maraming kalalakihang
    papawisan ang dila. akalain bang hindi kabaro ni Adan.
    kataka-taka`t pambihira ngayon lamang ako nakabasa
    ng isang angel na tumutula.

    Tanggapin mo ang isang basket na punung-puno ng humahalimuyak sa kabanguhang pag-ibig ng Diyos ng madama mo na Siya ay presente sa lahat ng pagkakataon.

    Maraming salamat blue angel.

    Luanda City, Angola

  8. blue angel on July 9, 2009 at 1:11 am

    ayos lang kaibigan
    baka napagkamalan
    may Engel din po kasi
    kung lumikha’y maigi
    siguradong kabaro
    ni Noel na katoto

    sa basket ng bulaklak
    ay, maraming salamat! c”,)

Leave a Reply

Share with others your thoughts, but please observe our rules for commenting. Other questions? Please visit our FAQ page.
Want your photo on your comments? Go and get a gravatar!
.

You must be logged in to post a comment.

TEXT ADS & LINKS
  • load cell
  • Write eBooks: ebook software downloads
  • Matthew Lesko - Home Bankruptcy Help
  • Coping With Infidelity
  • emanilapoetry.com
  • Free Psychics Online
  • Power Wheelchair Click Here
  • Your text links here! · Learn more.
    WRITERS RESOURCES
    » Apostrophes and Tagalog poetry
    » Grammar, spelling, and poetry
    » The correct use of 'ng' and 'nang'
    » The numerical meaning of 'other'
    » Poetry editing and punctuation
    » Free articles for self publishers, writers, ezines

    Contributors & Writers

    A complete list of our writers and contributors is available here.

    You can easily learn more about a writer by simply following the "Meet -name of writer -" located on the right panel of a single post. Sample: Meet Team Emanila

    Search by Keyword