Paghihintay ni Ina kay Ama
…kumakampay ang sanga ng ipil
sa pagdaan ng hanging lamig
sa pagbuhos ng gabing ulan
iindap indap ang ilaw ng bunsol
madilim ang gabing panglaw
sa anino mong hiling na naroon
kaluskos ng daho’t sanga
munting takot din ng loob
bumakas ang paglakas ng ulan
badya ng unos sa magdamag
titig sa bawat paligid
anino ng bawat larawan
kaluskos at tila pagkatok
sa dingding ay tila kabang bigla
pigil bawat paghinga
kung may magdaraang kakaiba
ungol ng kung ano-ano
dilim ng kaparangan ay wala
aninong bumabagtas
papalapit naway ikaw na
at kung hindi man
pinid ng pinto at silid
sa tarangkahan ay ipit sikil
kandado ng takot at pangamba
…ahh panglaw ng gabiy sanay lumipas na
sa pagdating mo’y dasal
naway ligtas ka
at ang bawat agam agam
sa aking puso ay mawala..
- huling paglisan - 1st May 2010
- Upos na buhay - 29th April 2010
- Lihim na pagtingin - 8th April 2010
- Si lolo - 23rd December 2009
- Sa gitna ng dalawang pagmamahal - 16th June 2009


