Pagbabanyuhay
iisang
tagpo
ang pagtutunan
ng ibayong pansin
mula sa
p a g k a k a d a p a
at pagkasubsob ng mukha, pagkaputok ng nguso
pamamaga ng nalamog na pisngi
mga sugat sa tuhod at siko
iaangat ang noo at
tatanawin ang paligid
hangin ay dadamhin
mga dahong nalalagas
(hindi nauubos ang mga dahon
may mga bagong uusbong)
bulaklak na maririkit
mayang umaawit
araw na nagngangalit
masasayang ngiti
mga inosenteng pulubi
mula sa pagkakadapa
ititindig ang sarili
pagbabagong
anyo
ng
buhay
Latest posts by m.j rafal
- Ikaw Na Lumisan - 26th August 2010
- Kung Bakit Pula At Hindi Bughaw Ang Dugo - 5th August 2010
- Nang Magkuwento Ang Ama Sa Anak - 14th July 2010
- Sinigang - 4th June 2010
- Trahedya Ng Pulubi - 4th June 2010


