pag-ibig na lang sa tula

Iba-iba ang paraan ng pag-ibig,

Magpapansin at makaramdam ng kilig.

“Pang-aasar”, ang iba’y ito ang hilig,

Gaya ng “kabig ng dibdib” o “tulak ng bibig”.

 

Pagliliwaliw sa namumuong daigdig,

Uring “blind date”, may kumpas na himig.

Ang ilan nama’y mata sa mata kung tumitig,

Hindi na halos makaalis sa pagkakatindig.

 

Ang iba’y sa “love letter” o kaya’y sa sulat,

Usung-uso na rin ang “e-mail” at ang “chat”,

“Text”, “friendster” at iba pang kaakibat,

Sarisaring istorya at mga pamagat.

 

Mayroon pa ring sumusunod sa alamat

Ng pagbisita sa bahay at pagsasabi ng tapat,

Pagpapakita ng kabaitan kung saan nagbuhat,

Kuwento ng buhay, pag-ibig ang ugat!

 

Karamihan pa rin kapag nagpahayag na,

Maaaring sa kanta o kaya’y sa gitara,

Tsokolateng matatamis, rosas na magaganda,

May kasamang bigkas ng “mahal kita”.

 

Ako sa kanila’y higit na naiiba,

Wala akong “tulay” na ginagawa,

Hindi rin sa makalumang harana,

‘Pagkat pag-ibig ko’y dinadaan sa tula.

 

Hindi man masabi sa iyo ng harapan,

Pag-ibig kong sa iyo naramdaman,

Hindi mo na rin kailangang pakinggan

Ang inaalam mong katotohanan.

 

Basahin mo na lang ang nilalaman

Ng tulang ikaw ang inilalarawan,

At tiyak ito ay iyong magugustuhan,

Mensaheng “ikaw lamang” magpakailanman!

Latest posts by Jay-Ar Bugayong

Share and enjoy...

If you enjoyed and liked this post, LIKE it on your Facebook. Consider also leaving a comment below to share your thoughts with others.
avatar About Jay-Ar Bugayong

Ngitingbatis ang sagisag-panulat ni Jay-Ar Bugayong, isang makatang nasa kaagahan ng gulang dalawampu.

Tubong Dagupan at bunso sa pitong anak, bilang First Honors sa mababang paaralan ng Doña Victoria Q. Zarate noong taong 2000. Salutatorian naman noong hayskul sa Escuela de Nuestra Señora de La Salette sa sumunod na apat na taon. Kumuha ng kursong may kinalaman sa pagnenegosyo sa University of Pangasinan noong nasa kolehiyo at patuloy pa ring naging Dean’s List at honor student.

Kalimitang siya ang pambato at ipinapadala kapag may mga quiz shows o paligsahang sumusukat sa angking talino. Bagamat nakatuon sa gawaing pang-akademiko, nagawa pa rin niyang manilbihan sa mga kaeskuwela’t kamag-aral nang maging kasapi ng University Student Council noong 2007 hanggang 2009. Naglingkod din bilang Volunteer Student Assistant sa opisina ng departamento’t kursong kanyang kinabibilangan.

Kaugnay nito’y dumalo rin siya sa serye ng mga seminar, kumperensya at kumbensyong patungkol sa larangan ng edukasyon, kapaligiran, mabuting pamumuno at pagtataguyod sa karapatan ng bawat mamamayan. Nakipagpalitang-kuro rin sa mga kapwa niya lider-estudyanteng nakasalamuha hinggil sa isyu ng mga sakit sa lipunan na patuloy pang umiiral at mas lalo pang lumalala partikular na ang paglabag sa karapatang-pantao at mabagal na pag-usbong ng kalidad ng edukasyon.

Sa kabuuan, si ngitingbatis ay isang matalinong mag-aaral, mahusay na student leader at tagapanday ng isipan ng mga kabataan maliban sa pagiging makata o kaya’y manunulat.

Comments

  1. avatar Noel Reyes says:

    ngitingbatis

    Pag-ibig na lang sa tula -

    Sa panliligaw, ililigaw talaga ng manliligaw ang pusong bibihagin sa daan papunta sa kanyang puso o sa daan papunta sa kanyang pagnanasa.

    Mga moderno at makalumang bitag upang masilo ang ilap na puso ng dalaga. Hinihila ang labi ko sa pagtawa kung maisip ang panahon ng nakaw-sulyap, pukol-halik, kindat-titig, pa-porma sa aking kabinataan.

    Sakaling nasukol ang iniibig, nagawang herohan ang labi ng nagpaubayang dalaga…diyan sisilay ang ngitingbatis.
    Hehehehe !

    Noel Reyes
    Luanda City, Angola

  2. avatar Krizza Telmoso says:

    nyc super…

  3. avatar Joyce CooLet Ocon says:

    nice one!

  4. avatar Ako Si Romelyill says:

    nice job pow:)

  5. avatar Angelito Tolits Sanjose says:

    like

  6. nice

  7. avatar Nagel Cruz says:

    wow ang ganda ng tula angkop talaga sa panahon ngayon.

  8. Kamakatang Jay-r, sing tamis ng pulot-pukyutan…galing!

  9. avatar Timmy Shino says:

    I like this :D

  10. avatar Timmy Shino says:

    sfdg

Speak Your Mind