nakakulong sa bangungot
nakatitig sa kawalan
ang malalim na isipan
naghahanap ng lagusan
ang ligaw na kapalaran
may dungis ang alaala
isang pintang ‘di mabura
ng larawang naging obra
‘di mawaglit sa memorya.
luhang hindi dumalislis
nag-iipon ng himagsik
nagsusumiksik sa dibdib
kinakapos na ng bait.
ang payo ng nagsangguni
ay limutin kung maari
ngunit multong umuuli
sa diwa ay nanatili.
dahil kalaban ang takot
sumusungaw pa ang lungkot
walang lakas na mahugot
hinahabol ng bangungot.
sarili ay ‘di madaya
sinentensiyahang kusa
nakapiit sa gunita
maghihintay ng paglaya.
Latest posts by ferdinand bajado- Mahabang Tag-Araw - 9th March 2010
- mensahero ng langit - 6th March 2010
- Tula ng makata - 3rd March 2010
- Naalala mo ba ang mensahe ng EDSA - 23rd February 2010
- ikaw na ang bida ngayon - 20th February 2010


ayaw lumaya sa gunitang kulungan
hindi na gumagalaw ang kaisipan
dahil sa takot sa buong katotohanan.
kung minsan sa gunita nakakulong
ang isipang tinakasan ng panahon
katotohanan lang ang magpapalaya
habang bibubuno ang hatol ng diwa.
maraming salamat po mangrey