Naglahong Pangarap

 

Naglahong pangarap na hindi nakilala

Pagkat sa panaginip lamang nagkita sa mata

Hindi maitatatwa na bitbit man ang pag-asa

Kung sa paghimbing di sisipot o magpakita

 

Sa pagbangon matulala man din litong ako

Kung masusulyapan na sa totoong mundo

Aking kapaligira’y maliwanag at burdado

Sa gabing inumaga ang gandang berdadero

 

Nang ito  ay tuluyan nang nagpahiwatig

Katauhan ko’y nabighani at wari’y kinilig

Mala dyamanteng makinang mga dingding ko’t sahig

Naging paraiso tingin ko sa daigdig

 

Pagtanggap sa mga handog ay di na pinatagal pa

Puso at isipan ipinaubayang lubusan

Buhay sa piling nito sadyang napakasaya

Parang laging nararating ang alapaap at glorya

 

Subalit sa aking langong ala-ala

Isang araw kutitap ay hindi na makita

Pati ang anino bula ang kapara

Ang biglaang paglisan kislap na nalanta

 

Hanggang sa isang gabi na ako’y nahimbing

Dagling nabalisa sa biglaang paggising

Sa aking guni guni nagpaalam palihim

Habang ito’y nilalamon ng liwanag sa dilim

 

Buhay di maarok ang taglay na hiwaga

Pangarap na kayakap padaka’y nawala

Kasabihan ay nagkakatotoo pala

Panaginip na natunghayan di na muling makikita

 

Pangarap na nabuo sa mga panaginip

Di na makapa di na rin masilip

Panaginip na para lamang sa pangarap

Tuluyang naglaho sa iisang iglap

 

 

 

Latest posts by Catherine Agunat

Share and enjoy...

If you enjoyed and liked this post, LIKE it on your Facebook. Consider also leaving a comment below to share your thoughts with others.
avatar About Catherine Agunat

The eldest child of Mr & Mrs, Luvimin Pimentero Agunat. Born last October 26, 1981 at Suyo, Ilocos Sur and currently working abroad.

Comments

  1. pangarap na naglaho.
    saan nga ba tumungo.
    sa panaginp dumapo.
    o nagising ka't natanto.

    natantong pangarap pala.
    paggising ay di madala.
    kelangan itong abutin.
    maaari lang kung gising.

    gumising at iyong gawin.
    hakbang na dadanasin.
    mga daang tutuntunin.
    tungo sa asam na hangarin.

    pangarap na naglaho.
    sa pag abot di susuko…

Speak Your Mind