Naaalala Kita

Dalas sumasalit kahit na abala
Hindi pwedeng hindi kita maalala
Di man kusain ay naaalala ka

Babanggitin ko kahit nakakahiya
Bibig na buka nababanlag ang mata
Sa maraming beses na buntung-hininga

Ang lakas ng epek mo sa aking buhay
Dalas kong malipasan kahit matakaw
Sino pang sisisihin alangang ikaw

Anong dalas na sumilid sa isipan
Kasing dalas ng pagsilip sa silangan
At pagtiklop ng liwayway sa kanluran

Hay naku pag ako`y nangalumbaba na
Sa katutunganga`t pikit nitong mata
Doon nangyayaring naaalala ka

Ay kung bakit nakilala ka pa noon
Na lingon-likod ko ngayong tinutunton
Pwede pa kayang maulit ang “Sing Along”

Hehehe

Luanda, Angola
Miyerkules
07:42 H

Latest posts by Noel Reyes

Share and enjoy...

If you enjoyed and liked this post, LIKE it on your Facebook. Consider also leaving a comment below to share your thoughts with others.
avatar About Noel Reyes

I`m Noel Lalic Reyes.
I`m from Sapang, Jaen, Nueva Ecija.
Roman and Teodora - my parents.
Jeffrey Anthony, Jefferson, Jacob, Josua, Joy - sons & daughter.
To them I dedicate my poems. I love them more than anyone now.

Since 1991, working here in Luanda City, Angola (West Africa) as a
Property and Supply Custodian, Aircraft Spare Parts & Equipments in an
Airline Company.
I like hard work and I don`t care how long my hours are.
I`m in the Philippines twice a year, April and October to spend my holiday.

Comments

  1. Ay, pag-ibig…bakit ka ba ganyan?
    Igan, sensiya na at ngayon lang naka-open,
    nasa isla ako lagi at medyo nagpapalakas pa.

    Tula nang tula!

    Tata

  2. avatar Noel Reyes says:

    Igan,

    Pag-ibig – eksenang nagbibigay ng masiglang kulay sa iba`t-ibang laro natin sa maharot na takbo ng buhay.
    Okay lang igan, ikaw pa. Tulad mo, may dinaramdam din…sa puso
    nga lamang. hehehe

    Tula nang tula!

    Noel

  3. avatar elenadolumreyes says:

    Hay naku bakit pag-ibig ay ganyan
    Pati ang aking pinsan ay magugulumihanan
    Di malaman kung ano ang gagawin
    Makasama lang ang kanyang mahal

    Sa iyo insan kaya mo yan
    Laban ang lungkot at wag hayaan
    Magkikita din kayo ng iyong mahal
    Pag dating mo dito sa bayan nating mahal

    Goodluck pinsan

  4. avatar Ham de la Torre says:

    Igan,

    Kauna-unawang ito ay tula tungkol sa alaala kaya namutiktik sa ganong kataga (mula ugat hanggang dahon, hehe) ang obra. Maliban sa pangalawang stanza (na naligaw yata ang “nakakahiya”), wala akong masabi sa kapilyuhan ng mga pilantik mo!

    Sing-along ha?

    Ham

  5. avatar Noel Reyes says:

    Elena,

    Wow insan!
    tila yata nabaligtad itong kalakasan
    si lalake ni babae ang sinasabihan
    …kung sabagay ang isang nasa malayo
    …gaano mang lakas walang di pagguho
    Dami talagang hilong-talilong sa pag-ibig hehehe
    …ang sa akin ay pabuwenas lang sa dami ng trabaho
    nakatuwaang kumatha sa kalabit ng lumipas hehehe
    salamat insan ha.
    bilib talaga ako sa iyo…bilis ah hehehe

    Insan,

    – – – – – – –

    Igang Ham,

    ang mga pananaludtod ko`y usbong lamang ng mga matitibay na punong aking pinananalbusan. Ikaw igan, si Tata, MANGREY, oliver, engel, blue-angel, darkdatu ay ilan lamang sa mga matitigas na batong humahasa sa mapurol ko pang panulat.

    Sing-along?
    Nagkatuwaan kami ng mga pinsan ko sa “3 Sisters” sa Poblacion Antonino, sa aming bayang Jaen noong aking huling bakasyon.
    Ang aliw sa mata`y nagbunga ng isang tula. hehehe
    Salamat igan.

    Noel
    Luanda, Angola
    07:17 H

  6. avatar Ham de la Torre says:

    Igan,

    I beg to disagree. Noong unang tunghay ko pa lang sa mga unang banat mo, dinig na ang pintig ng matulaing dibdib. Likas ka pang mapagkumbaba. Kaya lalong yumayabong ang “pananalbos”.

    Proud to be in your league. Thank God for poets.

    Ham

Speak Your Mind