Mga Tula Tungkol Sa Tula

DI BALENG DI PAGPAWISAN SA PAGTULA

— 

Di bale kung hindi pawisan sa tula.

Ano ba ang tula? Katas ng bugnot mo?

Delusyong iilan ang makalilikha

At may karapatan, yaong mga henyo?

Ano ang pagtula? Pagsasabi ng angst

Na ang anyo (ayon sa sarili) — tula?

Pangontra-kultura?

‘Sang alternatibang pagtingin sa galaw

Ng planeta, oras, lipunan, makina?

‘Sang intelektuwal na salsal sa malay?

Mas sabik ka pag ang tangan ay sariling

Burat kesa pluma, aminin ma’t hindi;

Luho man ang tinta sa pagwasiwas ng tula

Tumindig ka laban sa hungkag na talinghaga.

DAIG NG ISANG BAHAGYANG HAKBANG

Daig ng isang bahagyang hakbang

Ang maraming mahahabang tula,

Kumplikadong ito ay ialay

Lalo’t gutom na ang mga dukha.

Talo ng munting paninindigan

Ang mga imahen o salaysay,

Sa huli’y di tayo huhusgahan

Sa pagiging ganap na makata.

Ang pananahi ng talinghaga,

Minsa’y singhalaga ng paghaka

Na gapi sa sulsing pagsalunga,

Sa huli ang isang manlilikha, 

Itataboy ng mga napaslang.

— 

MAKAKATING TULA

H’wag kang lilikha ng makakating tula

Na naghahatid ng buning talinghaga,

Marami nang dapat kamutin sa lupa.

Hindi na mabilang ang mga talata

Ng mga epiko at mga tanaga,

Libo nang bansag ay tarikang dakila

Na apaw sa dangal at anyong imortal.

H’wag kang lilikha ng makakating tula,

Marami nang dapat kamutin sa lupa,

Marami pang dapat gamuting sanghaya.

Hindi na matuos ang mga halabos

Na higad, alakdan, alupihang gala,

Na naghahatid ng buning talinghaga.

H’wag kang lilikha ng makakating tula,

Huwag kang bubuo ng bersong mamaso.

Hindi na mawari ngayong naglipana

Ay mga guwantes na bulak at sutla,

Sa ngayong karimlan na tagapagtakda

Ng pinong lalagyang pinagkaisahan.

Latest posts by Fermin S. Salvador

Share and enjoy...

If you enjoyed and liked this post, LIKE it on your Facebook. Consider also leaving a comment below to share your thoughts with others.
avatar About Fermin S. Salvador

Fermin S. Salvador is a poet sometimes. He has a degree in BSE major in Communication Arts in English and Filipino from PLM and LLB from Lyceum of the Philippines. He also took up (but yet to make a thesis in) Master of Arts in Teaching in Emilio Aguinaldo College.

He has published about a thousand short stories in komiks form and several romance pocketbooks. He had stint writing daily tabloid newspaper column "Serbisyo". About a hundred of his prose stories appeared in several magazines.

Fermin is proud to be a licensed teacher but prouder for having served the Philippine government as an active duty commissioned officer with the rank of captain in the Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). For his services in upholding the country's criminal justice system particularly in the realization of a BJMP Paralegal Program that provides assistance to prisoners he was awarded as the nationwide Junior Officer of the Year in 2003. He was first placer in the first Penology Officer Exam given in the Philippines and commended by the DILG for this feat.

Fermin was trained as a journalist in the Philippine News Agency (PNA) and was a MOWELFUND scholar in Film Editing. Now a permanent US resident, he is working for the state government of Illinois as a QMRP (Qualified Mental Retardation Professional) coordinating various policies and actions related to treatment and care of individuals with developmental disabilities.