mga pananaw sa pagkatha ng pinoy haiku

ang mga sumusunod ay aking latest posted pinoy haiku sa emanilapoetry.com

 

1121. pangeke sa banal

April 12, 2014 by Rey de Vera

 

bumukal sa kabibe

amen ang usal

birhen ng Guadalupe

 

1122. may nasa na tigang

April 15, 2014 by Rey de Vera

 

umaninaw sa lawa

hubog ng buwan

yapos ang sinagtala

 

at heto pa ang aking ilang pananaw sa pagkatha ng pinoy haiku:

mahalaga ang kaalaman sa makalumang tulaing tulad ng tanaga upang bumalangkas ng pinoy haiku. dahil ang dating gawi ng pagkatha ng tanaga ay may mataas na antas. ito ay tila bugtong, tila salawikain, tila may hiwaga at kadalasan, itinuturing na matalinghaga. kaya’t ang pag-unawa sa approach ng bugtong at salawikain na gumagamit ng nature images sa figures of speech o figurative language nito ay malaki ang pakinabang ng manunula/makata; at kung maaari ay tuluyan nang mag-immerse sa nature poetry at mabatid ang mga retorika nito.

samantala, ang haiku ay wala naman talagang kinalaman sa talinghaga bilang metaphorical, figurative, symbolic, allegorical, representational, emblematic, o idiomatic kasi kapag sinabing fictional, imaginative, o creative tila hindi na ito literal. mukhang hindi na ito batay sa talagang kung ano lang ang nakikita sa kalikasan o kapaligiran sa sandaling iyon. at aakalaing may naiba na.

ang haiku sana ay pananaw ayon sa mga nakikitang bagay sa kasalukuyang nagaganap. a literal authentic description of the setting/moment. ang unique o kakaiba nga lamang ay ang pagpili ng mga bagay na isasama o ilalakip sa paglalarawan. at least, dalawang bagay na gagamitin sa juxtaposition para sa isang abstract conclusion. o at most, tatlong kaisipan sa paglalarawan ng self/man, community/society, at earth/universe. Maaring gumamit ng sequence of focus tulad ng mula sa baba pataas, galing sa loob palabas, umpisa sa maliit palaki, at vice versa, upang magpa-abot ng hierarchy, movement, o transition. kaya’t tila nababawasan ang objective reality dahil depende na sa makata ang desisyon. kung anong images ang bibigyan niya ng pansin para makagawa ng metaphors. at dito na pumapasok ang mga prejudice o idiosyncrasy niya.

sa diction naman makikita ang kakayahan ng manunula kung baguhan ba siya o mahusay na, at kung may elegance ang paghanay (arrangement) o paggamit (deployment) ng mga kataga. depende kasi sa panlasa niya ang istilo ng kanyang pagpili ng mga salita. at sa lawak ng kanyang bukabularyo masisipat ang antas ng kanyang kaalaman at kakayahang umiwas sa mga kalabisan. sa pagbaybay ng nuances at paglandas sa sensibilities. kaya’t makatutulong ang paggamit ng akmang mga salita na naghahatid ng mas makulay/mayaman na pandama at pagkakilala. bakit babangit lang ng salitang “ibon”, hindi ba niya kilala ang uri ng ibon? o taga-lungsod siya kaya sadyang ganun. samakatuwid, mahalaga na tukuyin talaga ang pangalan ng bulaklak, kahoy, pook, damo, kulisap, hayop atbp., upang maging mas kaaya-aya at malinaw ang paglalarawan. iba pa ang usapin ng katapatan sa pagkatha. kung makatotohanan ba ang nalikhang kapaligiran. na desisyon na ng mambabasa ang hanapin pa ito.

dito na rin pumapasok ang pag-employ ng figurative, symbolic and spiritual levels of meaning. sapat ba na maunawaan lang ang tula sa relative/common sense truth, dala ang payak na karanasan ng daigdig o literal interpretation ng mga bagay-bagay? o may binubuo pa ba itong mas malalim o mataas na kahulugan/katotohanan? tulad ng mga kaisipang may kinalaman sa kababalaghan, hiwaga at pang-ispiritu. karamihan nito ay mapapansin sa pag-employ ng simbolismo sa paraan ng metaphor, analogy, personification, at oxymoron. except simile na hindi ginagamit nang tahasan sa haiku. o hahayon ba ito sa absolute/ultimate truth o mga ispiritual na usaping bumabaybay sa animism, anthropomorphism, deep ecology, ecocriticism at iba pang kamalayan at paniniwalang may kinalaman sa kalikasan o kapaligiran? mahalaga dito ang substance because dealing with pinoy haiku is an attempt at expressing things seen differently. as J. R. R. Tolkien puts it, the first men to talk of ‘trees and stars’ saw things very differently. to them, the world was alive with mythological beings… to them the whole of creation was “myth-woven and elf-patterned”. (Carpenter, Humphrey (1979). The Inklings: C. S. Lewis, J. R. R. Tolkien, Charles Williams and Their Friends. Boston: Houghton Mifflin. p. 43.)

bagaman kung may pagpipili ay may subjective judgment na ng kung ano ang mahalaga o natatangi. upang maipa-abot ang ninanais na mensahe. may pagpipili rin ng angkop na salita, dahil tula ang medium o paraan, kaya’t maaring gagamit ang makata ng tugma at pantig. at dito humihiwalay ang mala-prosang free verse palayo sa tulang patugma o pa-awit. likas na kailangan ang ritmo sa tula upang maging kanais-nais sa pandinig. mahalaga rin ang paglampaw ng kahulugan sa literal lang na pagkaunawa. at minsan hahanapan pa ng aral at payo o sagot sa ina-akalang pala-isipan.

dito makikita ang pinanggalingan ng tulang haiku na nag-evolve from expressions of zen philosophy. kaya’t may pagkakahawig ang sinaunang tanaga dahil ito naman ay bunga ng native filipino process of reflection and contemplation. making proverbs, riddles or tanaga verses is their ancient tradition of thinking and seeing in metaphors. this entailed propounding their inner sight about ordinary things, some sort of primal wisdom. a fresh rendition of old beliefs or supernatural things in comprehensible terms.

kaya’t ang struggle ng isang pinoy haiku poet ay i-express sa tula ang kanyang pagpapahalaga at pagkatao sa paraang humahanap ng harmony between spontaneous feeling at holistic thinking. may tradisyon ang haiku na ihayag ang napapansing bagay sa pangsalukuyang pagkakataon. ang content ay mga pananaw sa pagkagiliw, paghanga o paggalang sa kalikasan. at ang pagsulat nito ay isa nang patunay ng kanyang empathy, affinity, concern about mother earth. magaan ito kung may pagkaunawa ang makata sa zen philosophy o ispiritualidad ukol sa kalikasan. at kung may kakayahan ang babasa sa pagtanggap ng enlightenment o moment of epiphany.

ang pananaw ng zen ay katulad sa gawain ng isang mananampalataya na nagdarasal o nagdedebusyon, sa ibang paraan nga lang dahil ang focus ng zen ay meditasyon tungo sa pagkaunawa ng sarili/diwa, direkta at personal. ang kalikasan ay tutulong na masalamin ang kanyang enlightenment. sa pagbuo ng zen-like haiku, ang pananaw ng zen reader ay hindi dapat matali sa literal interpretation ng tula, bagkus dapat bumalanse ito sa pag-transcend ng kahulugan sa panahon at espasyo. dahil ang iba ay likas na sanay sa discursive, prosaic, explanatory or academic analysis of the message. tila reader-oriented ang approach dito dahil inner/personal journey to illumination/clarification at renewal/restoration niya ang mahalaga. poetical nga ngunit non-explanatory dahil ang paraan ng communication ay presentational.

kaya’t sa pinoy haiku, ang talinghaga ay tila nagiging isang hiwaga (mystery) o kababalaghan (mystical) sa bumabasa nito. ngunit sa makata ito ay isang pagkakataon na marating ang mas malalim na pag-unawa by reflection/ contemplation/introspection or understanding/sensitivity/perception/ discernment of some enigma (katatakhan). sapat at ganap kung makapaghatid ang tula ng awareness, realization or insight of the moment. dahil mahalaga na ang appreciation o pagkaunawa sa tula ay makamtan sa paraan ng intimate experience o symbolic logic at hindi sa pamamagitan ng intellectual discussion o expository prose ng kung sino pa man.

Latest posts by Rey de Vera

Share and enjoy...

If you enjoyed and liked this post, LIKE it on your Facebook. Consider also leaving a comment below to share your thoughts with others.
avatar About Rey de Vera

Associate Member of Haiku International Association.
Lifetime Member of American Studies Association of the Philippines.
Finished his Ph.D. in Literature at the University of Santo Tomas.
Dissertation: "Paglikha sa Kathang Kalikasan: 300 Pinoy Haiku".
3rd Prize Award: 13th Kusamakura International Haiku Competition.
Winning entry for the foreign language category:
silent dawn
fading the eclipse
of a full moon.
Originated the Pinoy Haiku in 7-5-7 fixed form with a-b-a rhyme pattern.
A new name for this type of nature haiku in Filipino is now coined as "habiku"
from the two words in Tagalog, "habi" meaning weave, and "ko/ku" which means my.
Habiku connotes, my weaving of poetic lines.
Published in the book, "Sekai ni Hirogaru" and
translated into Japanese language by Sono Uchida:
The ghost
Of the dying moon
Beauty at rest (Rey de Vera)
Kaluluwa ng
Naghihingalong buwan
Gandang nahimlay (Translation: Rey de Vera)
To view his other works, visit this page:
Archived Haiku

Or read his blogs at devera.wordpress.com:
Pinoy Haiku 201-300

Speak Your Mind