Matalik kong Kaibigan

nong masilayan ka nang aking mga mata

bakas sa yong awra na sabik na sabik ka

sa mga kwento kong nagpapasaya

sabi mo bat ang tagal mo ay di ko kinainipan

sagut ko dahil ako ay iyong minamahal lang naman

ganyan tayo noon nag hihintayan

ngayon hindi ko na kayang isalarawan

kung anu na tayo kaibigan aking minamahal

may puwang pa ba sa atin ang nakaraan

gayong batid ko na tuluyan ka nang lumimot

sa ating mga pinagsamahan at kwentuhang walang pagkayamot yamot

alam kong dinig ng diyos ang aking hinanaing sa pag sapit ng dilim

saan ka man nakarating sana’y aba niyang iparating

sa’yo ang hikbi ng aking damdamin

na ang tanging dalangin sanay dinggin

na namimiss kita aking matalik na piging

ngayon kapiling ko lamang ang iyong mga halakhak

na sariwa pa kahit sa aking gunita

na sa tuwing ako ay may binibitiwang salita

ayon sayo’y ito’y nakakamangha…

kaibigan ko, matalik na kasangga ko

nasaan ka man ito’y para sayo

damhin mo ang tulang ito

na nabuo habang hinihimay himay ko

ang mga alaala mo sa gunita ko.

Latest posts by margaritha

Share and enjoy...

If you enjoyed and liked this post, LIKE it on your Facebook. Consider also leaving a comment below to share your thoughts with others.

Comments

  1. nakakainspire ang tulang ito

  2. avatar Lhanielle Nan Maangas Priide says:

    .. ow?

  3. ow naman
    hindi ako naniniwala
    lakbay diwa lang yan

  4. avatar Aquh Xhii Krizzia Marzon says:

    tama ang ganda talaga.

  5. ?

  6. I love it.

  7. avatar Mikaela Caranza says:

    ???????

Speak Your Mind