Malayang Taludturan

Huwag tayong pabilanggo
sa paniniwalang
tadhana ang guguhit
ng luwalhati
sa pinagtugmang palad

Huwag tayong pagapos
sa pag-aakalang
panahon ang maglalapat
ng ligaya
sa sinukat na pag-ibig

Padaluyin natin
ang batis
ng pusok at hinahon
sa malayang taludturan
ng damdamin.

Wala sa tugma ang ulap.
Wala sa sukat ang langit.

Latest posts by Melchor Viado

Share and enjoy...

If you enjoyed and liked this post, LIKE it on your Facebook. Consider also leaving a comment below to share your thoughts with others.
avatar About Melchor Viado

Supling ng Katagalugang sumilang sa Lungsod ng Pasay. Panganay na bunga ng pagmamahal ng isang matapang na Kabitenyo sa isang diwata ng Laguna. Hindi iilang tag-init ang pinagtiisan sa disyerto ng Kuwait, kumita lang ng pera. Hindi iilang taglamig na nangulila sa dilim ng sariling silid, makabuo lang ng mga tula-tulaan. Ang pera, para sa pamilya. Ang tula, para sa may tiyagang magbasa.

Comments

  1. avatar Navi-Eel Sohcid says:

    0ops…
    I have an Answer…
    Can you give me uhmm..
    Uri ng Taludturan.

  2. avatar Andrei Bernardo says:

    slamt s tlga s google hahahaaha nka hnap dn s waks hahhaahahah! ilo^_^

  3. slamat sa google nka hnap rin sa wkas hhahhahhha..

  4. avatar Nhanie Mateo says:

    ex ng malayang taludturan.

  5. avatar Christinejoy Palima says:

    oo nga ano pa ang ibang example nyan….

Speak Your Mind