Mahabang Tag-Araw

March 9, 2010
By ferdinand bajado • Posted in Kapaligiran .

Meet ferdinand bajado
Leave a response
Email this post to friends Email this post to friends

kung maaari lang luha’y ipangdilig

sa lupang natuyot, ipagpag ang pawis

nilang nangaglinang sa sakahang bukid

at umaasa lang sa hikbi ng langit

dahil naiga na ang imbak na tubig.

uhaw ang maghapon sa agos ng batis

nagsawang sumibol ang palay at mais

naro’ng damong ligaw ibig nang tumangis

pagkat kahit hamog hindi tumilamsik

habang ang palaka’y magdamag tahimik.

punong walang kibo, sanga’y naging siit

lupaypay na pakpak ng maya at pipit

‘di na rin madinig huni ng kuliglig

pati mga isda ay nangaligalig

hibas na ang sapang sana’y masisisid.

ang sariwang hangin nahiyang umihip

si lolo at lola abaniko’y bitbit

halo halo sana sa uhaw pamatid

ngunit pati yelo’y takot na lumamig

dahil enerhiya ngayo’y tinitipid

may nagsapropetang malakas ang tinig

senyales daw ito, wakas ng daigdig

kinontra ng agham sa balitang hatid

sadyang mahaba raw ngayon ang tag-init

El Nino ang ngalang ngayo’y bukangbibig.

minsan ang panahon ay lubhang masungit

may pagkakataong ito’y nagngingitngit

minsa’y sumasala ang init at lamig

tila ba ang tao ay kinakalabit

upang ang dalangin ay kanyang masambit.

Latest posts by ferdinand bajado

Leave a Reply

Share with others your thoughts, but please observe our rules for commenting. Other questions? Please visit our FAQ page.
Want your photo on your comments? Go and get a gravatar!
.

You must be logged in to post a comment.

TEXT ADS & LINKS
  • load cell
  • Write eBooks: ebook software downloads
  • Matthew Lesko - Home Bankruptcy Help
  • Coping With Infidelity
  • emanilapoetry.com
  • Free Psychics Online
  • Power Wheelchair Click Here
  • Your text links here! · Learn more.
    WRITERS RESOURCES
    » Apostrophes and Tagalog poetry
    » Grammar, spelling, and poetry
    » The correct use of 'ng' and 'nang'
    » The numerical meaning of 'other'
    » Poetry editing and punctuation
    » Free articles for self publishers, writers, ezines

    Contributors & Writers

    A complete list of our writers and contributors is available here.

    You can easily learn more about a writer by simply following the "Meet -name of writer -" located on the right panel of a single post. Sample: Meet Team Emanila

    Search by Keyword