Mag-ingat sa Aso
Sa labas,
nagkalat ang mga aso-
naglalaway,
umaangil,
kumakahol,
nanghahabol….
Iba-iba ang hitsura:
may galisin,
may malinis,
may ulol-
at mukhang ulol.
(kaya ingat sa paglalakad)
Dahil marami sila…
lalu na kung gabi-
may nakahambalang sa daan,
may biglang sumusulpot…
at baka nga makasalubong mo pa,
o, maaaring sa likuran mo manggaling -
ang siyang mag-aalay ng alulong
para sa iyong kaluluwa.
Latest posts by toyletter- Madilim na Paraiso - 12th February 2010
- Maiinit na mga Kamay - 11th February 2010
- Lagusan ng Ligaya - 9th February 2010
- Tulang Malaya - 8th February 2010
- Baboy - 9th December 2009

