Lambing Kina Ka Romy C at Henry ng Emanila

April 24, 2009
By Raul Funilas • Posted in Showcase .

Meet Raul Funilas
Leave a response
Email this post to friends Email this post to friends

Diwa ko’y dinagit ng dalampasigan,
agad umimbulog sa may kalawakan;
layuni’y ilipad sa malayong lugar
upang ipabatid na may kahilingang
kami ay igawa kahit konting puwang
dito sa ‘ting website na tamang tinggalan
ng babalangkasing tula ng RENGAHAN.

Ang Rengang gagawin, ang huling salita’y
siyang uulitin pagdugtong sa tula;
kung ano ang dulo’y doon magsimula-
basahin ang aking tamang halimbawa:
“Nais kong rumenga mahal kong Diwata,
dahil ikaw’y laman ng baliw kong diwa;
sa gabing pusikit titingnan ay tala
habang ang mata ko’y tigmak nitong MUTA.”

Heto po sagot na dapat magawa:

“MUTA ay pahirin kasamang makata,
dahil ang mata mo ay nanggigitata;
baka ka makita ng haling na pusa
at ikaw’y punasan ng ihing SARIWA.”

Alam kong mayroong dito ay papatol,
kaya po ka Romy kayo ang humatol;
kung pagbibigyan ba ang hiling ko’t bulong?
gawin nang madali’t magdarapithapon.

Tuloy ang Pabaga!
Tula nang tula!

Tata

Latest posts by Raul Funilas

3 Responses to “ Lambing Kina Ka Romy C at Henry ng Emanila ”

  1. Rod Escobin - LBNHS on April 24, 2009 at 1:14 pm

    MAGDARAPITHAPON na nga
    Gaya ng sabi ako’y papatol
    Sa paggawa ng Renggang tula
    Ating ituloy ang bawat kaputol

    Mabuti ngang dito na lang gawin
    Ang masayang tulaang rengahan natin
    Kaya’t heto ako’y naririto
    Ang inyong kamakatang si Rodrigo

    Halina galugarin na natin ang daigdig
    Ibalita sa lahat ng makakaniig
    Kaligayahang ating makakamtan
    Kailanma’y hindi ako MAGDARAMDAM

  2. MANGREY on April 24, 2009 at 8:24 pm

    sariwang bulaklak aking pinitas
    sa halamanan may tanim na prutas
    hindi pabayaan halimuyak kumupas
    idambana sa puso hanggang wakas

    sige na ka romy at henry simulan na ang rengahan

  3. Ezzard R. Gilbang on April 26, 2009 at 5:46 pm

    MAGDARAMDAM ang nakawil na salita ni Rodrigo
    kaya’t agad kong binaltak ang kataga kong antigo
    sa baul ko ng hirayang sininop at kinalburo
    ngayo’y aking hinahango’t hinahain ngayong bago

    Maari po, maari po, dito tayo’y magrengahan
    ngunit idurugtong nati’y isang tulang s’yang susundan
    hindi isang komentaryong walang paksang patunguhan
    kundi tula ngunit isang paksa ang siyang kakabitan

    Halimbawa ay ganito: Ang Lambingan (Ito’y Renga)
    Ang sasagot ay gagamit nitong paksa ang kagaya
    lalagyan lamang ng bilang kung sino ang sinundan n’ya
    Kaya’t kung ako ang UNO, kailanga’y DOS naman s’ya!

    Kaya’t ngayo’y binubuksan ating paksa na lambingan
    Pagka’t ito ay magandang talakayin sa rengahan
    May lambing ang sinisintang humihinging siya’y hagkan
    Maylambing ang mutyang hindi pinapansin ang paramdam!

    Ay! Naku, ang aking Tata, alam ko ang hinihimpil
    ng hirayang nakatago sa isipan kapag lambing
    ang usapan ng talayak, alam ko na nanggigigil
    na ang iyong ikukuwento’y lambingan na walang tigil!

    kuya Sam

Leave a Reply

Share with others your thoughts, but please observe our rules for commenting. Other questions? Please visit our FAQ page.
Want your photo on your comments? Go and get a gravatar!
.

You must be logged in to post a comment.

TEXT ADS & LINKS
  • load cell
  • Write eBooks: ebook software downloads
  • Matthew Lesko - Home Bankruptcy Help
  • Coping With Infidelity
  • emanilapoetry.com
  • Free Psychics Online
  • Power Wheelchair Click Here
  • Your text links here! · Learn more.
    WRITERS RESOURCES
    » Apostrophes and Tagalog poetry
    » Grammar, spelling, and poetry
    » The correct use of 'ng' and 'nang'
    » The numerical meaning of 'other'
    » Poetry editing and punctuation
    » Free articles for self publishers, writers, ezines

    Contributors & Writers

    A complete list of our writers and contributors is available here.

    You can easily learn more about a writer by simply following the "Meet -name of writer -" located on the right panel of a single post. Sample: Meet Team Emanila

    Search by Keyword