O bata sa tabi ng bangketa
Matuto kang maglaro at magsaya
Tumbahin ang lata, ‘wag maging preso
Ilabas ang holen, asinta ay panuorin
Yumakap sa langit, kumaripas sa lupa
Kung bato ay natalo, wag magpapapitik
Kung ikaw ay bulag, ba’t hindi ka dumilat?
Kung sasabihing dilat, ba’t nagpapabarat?
Habul-habulan, maliwanag ang buwan,
Pagbilang kong tatlo,
Ikaw ang asintado.
Tapusin ang hingal, pawis ay punasan,
Huminto sa kalsada,
Kahit hindi iyan palaruan.
- Ghosts - February 22, 2012
- On the supposed namelessness of money - February 22, 2012

{ 1 comment… read it below or add one }
ako’y laking palengke sa sa aming bayan bongabon, nueva ecija. muli mong ibinalik sa kaisipan ang mga lumipas noong ako’y bata pa. nakakatuwa at masayang naglalaro sa buwan maliwanag. 68 na ako at ngayo’y namilalay ang ngiti sa labi,
You must log in to post a comment.