Kung Makikinig Lang Ang Gobyerno
Kung makikinig lang ang gobyerno
Sa mga nagpupuyos na tinig
Na paos na sa maraming siglo
Ng pagkabingi at pagkamanhid;
Kung masisipat ng bawat isa
Sa hanay ng mga poderoso
Ang malalagim na panorama
Sa mga tambakan at estero;
Kung uukilkil sa respetado
At kagalang-galang sa lipunan
Ang pait ng kawalang-saklolo
Sa tadhana ng karalitaan;
Kung may pandama ang burukrasya
At susuriin ang mga bato
Ng pag-usig na pukol ng masa
At kahihiyan ay matatanto;
Kung hindi na mga ipokrito
Ang libong sa baya’y tumitimon
Sa sobra’y iilang nagsasalo
Habang milyones ang nagugutom;
Baka nga tama ka, Pangulong Noy,
Tulad ng sinabi mo sa SONA:
P’wede na muling mangarap.
Latest posts by Fermin S. Salvador- Naga Ta - 2nd September 2010
- Tayo'y Nagmamahal at Tayo'y - 30th August 2010
- Anuma'ng Nangyari sa Bigas - 30th August 2010
- Isang Gabi ng 'Ipuipo' (Sa Tagumpay ng Lunsad ng "IsP") - 30th August 2010
- When 'Komiks' Becomes Poetry - Launching of 'Ipuipo sa Piging' - 27th July 2010


Ka Fermin,
“Pagharap na Tunay”
Tunay na pangarap
ano ba ang hangad
Buhay na masarap
sa hirap ay salat.
Yaman sa pagsipat
malayo ang agwat
Hindi magtatapat
kahit isiwalat.
Marami ang sabi
mahirap daw kasi
Pero nasa tabi
mga walang silbi.
Sa batas o budhi
labis man ang landi
Kahit na kaunti
sana’y ibahagi.
… DcD/dodie