kulang sa tamis
kulang na sa tamis ang kapeng tinimpla
kaya pati langgam ay nagtatampo na
e kasi asukal lagpas ng singkwenta
ngayo’y hinahati sa isang kutsara
ang dating kaytamis nag-iba ng lasa.
ganoon din naman kahit na segunda
kahit sabihin pang asukal na pula
sa taas ng presyo hindi na makayang
magkape maghapon lagpas isang tasa
kaya mga langgam tiis tiis muna.
Latest posts by ferdinand bajado- Mahabang Tag-Araw - 9th March 2010
- mensahero ng langit - 6th March 2010
- Tula ng makata - 3rd March 2010
- Naalala mo ba ang mensahe ng EDSA - 23rd February 2010
- ikaw na ang bida ngayon - 20th February 2010

