Kanino Kaya Ako

Bago pa kita personal na masilayan

Sa mga panaginip ay akin’ nang nasusulyapan

Maamong mukha, makisig na katawan

Umaali-aligid sa guniguni ngunit walang pangalan

 

Pinilit kong mukha mo sana ay maipinta

Nang sa ladrilyong kuwadro, mailagay ka

Ngunit tila balot ka ng hiwaga

Pagkat ‘saktong anyo mo, bakit di ko magaya

 

Kaya minabuti kong ikaw ay itula

Larawan mo sa isipan ang aking ilalathala

Ah, laking gulat ng puso ko nang ikaw ay bumulaga

Hindi ko inaasahan sa tunay na mundo makikita ka

 

Mula noon, binihag mo na ang aking kaangkinan

Parang pilit mong binubuksan ang bintana kong sinar’han

Kung ikaw man ang nakatakdang  kabalyero ng paraluman

Magwawakas na marahil ang daigdig ko sa karimlan

 

Habang ang panahon ay tumatakbo

Diwa ko ay patuloy na sa’yo nakabilanggo

Damdamin ko ngayon ay hilong-hilo

Dahil dito sa puso ko’y nakakulong ang isang maginoong pasko

 

O,ano ba talaga ang totoo, maging sa paglitanya ay nalilito

Ang paraluman ba ay nakalaan para kanino

Sa mga pangarap ba na bumihag sa aking isipan

O sa mga ikinulong na kasiyahan, na ayaw ko na yatang pakawalan

 

May pag-asa pa ba, na magtutugma ang ulo at ang puso

Ano, sino ang nararapat na sundin ko

Aabante kaya, o panahon na para umatras at lumiko

Hihirit pa kaya o titiklop na lamang at yuyuko

 

Kanino kaya ako?

Latest posts by Catherine Agunat

Share and enjoy...

If you enjoyed and liked this post, LIKE it on your Facebook. Consider also leaving a comment below to share your thoughts with others.
avatar About Catherine Agunat

Born on a sunny day beneath a tangerine sky.

Speak Your Mind