Jack Alvarez

emanilapoetry: What draws you to express yourself through poetry and what drew you to poetry in the first place?

Jack: Nung bata pa ako, naalala ko mahilig na talaga akong magbasa lalo na ng komiks. At nung nasa elementarya hanggang hayskul, naging editor-in-chief ako ng aming school organ. Itinuloy ko ang pagkahilig sa pagsusulat sa pamamagitan ng online posting ng aking mga tula, dagli, at blogs. Inspirasyon ko ang aking mga karanasan sa buhay lalo na ang aking pamilya. Broken family kami. Kaya halos lahat ng aking mga akda ay may tema tungkol sa family ties and relations. Doon ako humuhugot ng lakas. Bawat manunulat ay may kanya-kanyang ‘musa’ na tinatawag bilang inspirasyon sa kanilang mga obra-maestra.

emanilapoetry: How do your current posts compare with the first poem you published on emanilapoetry?

Jack: Kung ihahambing ko ang aking mga akda noon at sa ngayon, siguro may malaking pagkakaiba. Unang-una, sa pamamagitan ng online posting may mga natutunan ako galing sa mga komento ng ibang awtor. Ikalawa, nakakuha ako ng ibang techniques batay naman sa pagbabasa ng ibang akda. At ang huli, dito ako nagkaroon ng mga kakilalang kapwa manunulat at naging daan para makapasok ako sa isang creative writing workshop sa UST (University of Sto. Tomas). Siguro ang hindi lang nagbago sa aking mga akda ay mga temang aking tinatalakay. Mas komportable ako kung hango sa aking mga karanasan.

emanilapoetry: As you are so attracted to words, how do you feel about the way language is being used in today’s world?

Jack: Bilang manunulat, mahilig tayong mang-abuso ng salita. Nagbabago ang mundo. Pares din na nag-e-evolve ang mga salitang sangkap sa literatura. At tayo rin mismo bilang manunulat ang nag-e-experimento sa mga pagbabago.

emanilapoetry: One emanilapoetry member once commented: “Pag mas marami ang nahihikayat maging makata sa isang bansa ay mas yumayabong ang kultura ng bansang iyon.” In what way or ways can poetry enrich a nation’s culture?

Jack: Poetry is an art. Parang salamin ang tula na pinapatanaw ng may-akda sa mga mambabasa. Bawat persona na nagsasalita sa isang tula ay nagpapahiwatig ng iba’t ibang kaisipan. Ibinabahagi sa isang malikhaing paraan para mas mahikayat ang babasa nito.

emanilapoetry: Any advice you have for those who want to have their hands on poetry?

Jack: Sulat lang. Managinip ng kung anu-ano. Magkaroon ng rebelyon sa karaniwang paniniwala. Ekspresyon sa sarili. At maging responsible sa mga rebelasyon.

emanilapoetry: Thanks Jack for sharing with us your thoughts.

More about Jack Alvarez.