Iyan pagtanda

July 3, 2009
By MANGREY • Posted in Magsaya Tayo .
Meet MANGREY
Leave a response
Email this post to friends Email this post to friends

iyan pagtanda kaysarap sapitin
huwag lamang isip maging ulyanin
mga kaibigan sa tangkay nalagas
gugunitain mga naiwan nilang bakas

sa unti unting paglabo ng paningin
sa buhay kong ito ako’y may napansin
marming nakita na maganda sa tingin
magandang bulaklak nais kong pitasin

puso’t isipan ngayo’y hindi matampuhin
ang pagtatampo’y para sa batang iyakin
darating at darating papanaw ang buhay
walang hinakit sa ginawang paglalakbay

sa araw araw na patuloy na ako’y nabubuhay
sa balik isipan may ngiting nakatunghay
ang paglalakbay may lungkot at tagumpay
ngayon sa katandaan lahat puno ng kulay

Latest posts by MANGREY

4 Responses to “ Iyan pagtanda ”

  1. Noel Reyes on July 9, 2009 at 8:47 pm

    Iyan Pagtanda

    MANGREY,

    Naiinggit ako sa mga taong nagsasabi -
    Ang buhay ko ay punung-puno ng katakut-takot na kasawiang-palad na ang karamihan ay hindi nangyari.

    Sa aking buhay,
    Anoman ang kahinatnan sa wakas
    Ang mabuong istorya sa dulo ng landas
    Magpapasalamat pa rin sa Diyos
    Asam sa magandang bukas
    Makamtan man o hindi
    Ligaya ko at ngiti
    Sa kabila ng lahat.

    Noel
    Luanda City, Angola

  2. MANGREY on July 9, 2009 at 9:05 pm

    iyan pagtanda ay antas ng buhay na dapat paghandaansa pagtanda hindi kailangan ikaw ay maging mayaman, ang kailangan lamang ay huwag maging parang pulubi aasa sa mga anak. isang katungkulan ng sarili para sa sarili.

    maraming salamat noel sa pagtunhay. kumusta ang kalagayan mo sa luanda?

  3. Noel Reyes on July 9, 2009 at 9:40 pm

    MANGREY,

    Okay naman po ang aking kalagayan dito kasama ng 2 pinoy.
    Kung papaano pinapapatak ng Diyos ang ulan at pinasisikat ang araw diyan sa atin, gayundin po dito. Laganap ang biyaya ng ating mapagpalang Diyos.
    Maraming salamat po MANGREY.

    (Mga anak balitaan ako kung kasama ito sa mga nabasa ninyo.)

    Noel
    Luanda City, Angola

  4. Rod Escobin - LBNHS on October 4, 2009 at 4:13 pm

    “magandang bulaklak nais kong pitasin?” Kaya pa ba?

Leave a Reply

.

You must be logged in to post a comment.

SPONSORED LINKS
Your text links here! · Learn more.

WRITERS RESOURCES
» Grammar, spelling, and poetry
» The correct use of 'ng' and 'nang'
» The numerical meaning of 'other'
» Poetry editing and punctuation
» Free articles for self publishers, writers, ezines
Download articles

Contributors & Writers

A complete list of our writers and contributors is available here.

You can easily learn more about a writer by simply following the "Meet -name of writer -" located on the right panel of a single post. Sample: Meet Team Emanila

Search Posts by Month

Search Posts by Day

March 2010
M T W T F S S
« Feb    
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Search by Keyword