Latest posts by OliverCarlosHuwag bulabugin ang sawa
na nakapulupot sa kanlungang sanga,
hayaang mag-abang ng kanyang masisila.
Itulad siya
sa taludtod ng tula
sa mga salita— banayad nguni’t kagyat
May talas, may pangil ang kataga.
Tahimik na naglalamay. Matiyagang naghihintay.
Sa himig, imahe at anyo
hayaang pag-isahin ng tula ko
ang tao at bato. Gumuguhit ako—
maso’t karit—
sandatang pamatid
sa tanikalang nasa leeg.
- electrician - March 19, 2012
- Dadaismo - November 14, 2011
- O’ Bayan Ko - November 4, 2011
- Talsik ng Alipato 2* - November 4, 2011
- Talsik ng Alipato 4* - November 3, 2011

{ 2 comments… read them below or add one }
mapanila ang bawat kataga
makamandag bawat salita
ngunit nagbibigay ng kahulugan
sa buhay;
sa kaisipan
ng makatang
may akda
whew, lalim nun
dude!
eml
mahusay. ang lalim nga. salamat sa komento.
You must log in to post a comment.