hay naku ano ba ‘to

sadyang malambing
dalagang filipina
hanaphanap ka

ngiting dalaga
nagbibigay ginhawa
panourin ka

dahong luntian
namusilak sa parang
nais ay ulan

patak ng ulan
labi ko naramdaman
akoy nagising

http://poemhunter.com/manonton-dalan/

Latest posts by manonton dalan

Share and enjoy...

If you enjoyed and liked this post, LIKE it on your Facebook. Consider also leaving a comment below to share your thoughts with others.

Comments

  1. di humihinga
    apak ang silyador
    nagdadasal pa

  2. naiiwanang
    tulay saklot ng ulap
    marahang simoy

  3. paakyat daan
    hirap ang makina’t paa
    matulin pa rin

  4. habulang daga
    ang umagang pagpasok
    maginaw pa rin

  5. sweater makapal
    nag-uumidyong hinga
    mabagal lakad

  6. bumuhos ulan
    kalakip kadiliman
    buti may linti

  7. mumunting patak
    ay nagtitilamsikan
    labi tamaan

  8. napikit siya
    sabay itikum bibig
    tumulo luha

  9. binigyan panyo
    pinunas luhat ulan
    napangiti pa

  10. sa iyo na yan
    marami ako rito
    kumindat siya

  11. lumapit siya
    iniyabot ang sulat
    pangalan niya

  12. daling binasa
    lumingon nagpaalam
    sinundan siya

  13. bilis naglaho
    naiwang nag-iisa
    patak ang luha

  14. pangatlo ito sa mga malungko mo na tula

    ang sa akin lang naman
    ang tulang haiku
    ay tumatalakay sa mga
    pang-araw araw na buhay
    sa ating kapaligiran

  15. alam ko po pero
    di ako hapon.kaya
    tinawag ko nag”hay naku”

  16. puting bulaklak
    sanga namumukadkad
    ihipang hangin

  17. talulut bagsak
    namumuti ang hardin
    akoy humanga

  18. langgam sa rosas
    marahang naglalakad
    pulot, natuwa

  19. bibig nabuka
    punongpuno ng pulot
    pauwi siya

  20. bayaning langgam
    siya ay ipinagdiwang
    pusong parangal

  21. wisik ng ulap
    nagkagulo ang langgam
    nalunod siya

  22. mumunting bula
    nahagip ng galamay
    at nakahinga

  23. ginoong manonto dalan
    emanilapoetry is very
    diplomatic.please read
    guidlines on posting
    comments. click right
    after speack your mind
    in red color. this will
    help us all. thank you
    and happy composing.bye

  24. ooopppss my bobo

  25. ha ha ha ha ha tama ka dyan.

  26. mumunting butil
    sa daan naapakan
    tag-ulan naman

Speak Your Mind