Daloy

Daloy

Kung ako ay ilog
at ikaw ang tubig
Ako’y naiinip sa iyong pag-agos,
Kung ikaw ang yapos
sa ‘king panaginip
Palaging pipikit ako’y matutulog.

Sa aking paggising ikaw ang almusal
Mainit na sabaw
sa aking pagkain,
Hanggang sa dumilim ilaw ka sa kamay
Sa liwanag ng b’wan
ikaw ay kapiling.

Ikaw’y aking tubig
malinis na bukal
Sa ilog kong uhaw dilig mo ang titik,
Sa lamig at init
ulan ka at tanglaw
Himig mo at banghay ay aking pag-ibig.

Ang aking lagaslas tangay ang ‘yong tinig
Galak ko at hilig ang bawat pagpatak,
Mahigpit kang yakap salamat ang sambit
Para nang kaniig habang binibigkas.

Tulog man o gising tubig kang dadaloy
Laging isasaboy na musa kong giliw.

dcd/dodie
07Nov’12

Latest posts by danilo diaz

Share and enjoy...

If you enjoyed and liked this post, LIKE it on your Facebook. Consider also leaving a comment below to share your thoughts with others.

Comments

  1. avatar Catherine Agunat says:

    Hello manung danny, ang galing naman nitong daloy mo! punong-puno ng diwa…the best ka manung!!!

Speak Your Mind