Ay, biso* ang batang may hawak na biwas,
Aayaw kumibit ayunging malapad;
Mabuti pang ikaw’y kumuha ng salap
Magtiis pag-alig sa dulong at yapyap.
Ay, biso ang batang may tangang tirador,
Hindi matamaan ang malaking ibon;
Mabuti pa yata’y kumuha’ng asarol
At iyong bagbagin ugat ng balinghoy.
Ay, biso ang batang magpalmo sa holen,
Aayaw bumaldig ang tirada’y paling;
Mainam pa yata ikaw ay kumain
Upang iyang gutom iyong sansalain.
Ay! Ay! Batang biso di magtatagumpay,
Kapag kumakalam tiya’y walang laman.
*malas, walang suwerte











Recent comments