Pugay sa nagsipagtapos,
kahit ang pera maubos
nitong magulang na kapos,
basta anak makaraos.
Pagtatapos
Malapit na ang kanilang pagtatapos
Mga pangarap ay dahan dahan na nilang masisilayan
Heto ako at nakatingin sa mga nakangiting labi
Maliliwanag na ilaw, magliliwanag na mga pangarap
Tunog na nilapat na kay sarap sa tenga
[click to continue…]
Dati iyong pinagkakamalang galing Poland
O Russia o bansang singbanyaga ng Iceland
at nakabubuhol ng maraming pagtatangka;
hindi madaling usalin ang “Marifosqui” sa dila.
.
Paano mo gagawin iyon nang hindi nabubulol?
May pagmamalaki ang aking ama, gayunman
at, sa nakasanayan niyang salita ng dayuhan
na may kapal at anghang ng bulkang Mayon,
.
maraming humanga sa kanya, may gumalang pa.
Hanggang sa pagtungo niya sa tanggapan ng mga
rehistro. Walang laman ang pahina maliban
sa nag-iisang datos: Prospero, anak
.
na natural ni Teresa. At isiping
ang sadya niya roon ay asikasuhin
para sa mga pinsanin ang mga rekisitos sa pagsasalin
ng isang kapirasong lupain.
.
Ang talagang problema ay kung sino ang sakim
sa mga nagsilisang salarin.
*Namatay si Ama na isang de la Torre; kami rin.
Binigyan siya ng Arabya ng sapat na notisya
upang makapaghanap ng iba, ang akala niya.
Kinumpirma ng huling interbyu na malawakan
ang tanggalan, ibinaba ang kanyang yabang.
.
Malungkot din siya laluna’t ubos na
ang kanyang mga iniremita. Makakaraos din tayo,
sabi niya. At nilustay ang konting natitira
sa sugal at serbesa. Gusto niyang pigilan
.
ang isa pang bibig na susubuan at napagkamalang
pagsang-ayon ang kanyang pananahimik.
Ang sa kanya e katawan niya ang gusto niyang
isubo sa apoy e di sige. Tila nagkasundo sila
.
sa isang mali – kapwa abala
sa pagsasaisantabi sa isang di-mapangalanang
kakulangan at paninisi noon sa salamat-at-
napapanahong kunsitidor na pagsang-ayon -
.
tahasan at tiyak:
hindi iyon magiging komadrona
o matatahimik ang kaluluwa.
bilang isang ina ako’y natutuwa
nakamit diploma kahit ako’y wala
anak, diploma’y isabit sa tahanan
ilagay mo sa tabi, aking larawan.
ngayon aking anak, pawiin ang lungkot
punasan iyang luha, sa pisngi’y agos
gusto ko ikaw masayang nakatapos
gamitin upang hindi ka maging kapos.
maging masipag at laging nagiimpok
ilagay iyang barkada, isang sulok
huwag magasawa hanggang hindi tarok
pagaasawa tungkulin isang hamok
ang kiliti sa kamay at ugat huwag iyapos
kapagdaka sa babaing mga titig malamyos
iyan pagibig mo dapat ilagayng maayos
ito ay pundasyon para sa mga apong lubos
humayo ka anak at harapin iyong mundo
pagandahin pagyamanin higit sa ngayon mo
huwag kalimutan tumawag sa diyos na totoo
sige
na
anak
maligaya
ako
sa
kinalagyan
ko.
1957 ako ay nagtapos sa elementarya
sa bayan nang bongabon nueva ecija
nagbalik sa aking magandang alaala
mga pinagdaanan panahon sa eskwela
isang batang babae kimpal sa isipan
matalino siya napiling valedictorian
mula grade one kasama sa eskwelahan
ngunit hindi nakausap kahit minsan
isang bagay lamang, aking natandaan
aking napansin, kaya aking iniwasan
kilos panalita ay may kasupladahan
panahon lumipas nadikit parin isipan
1957 ako’y nagtapos sa elementarya
mga kasuutan damit wala kahit isa
masabing akin talaga, lahat ito luma
sapatos, pantalon at polo panloob wala
dahop sa kasuotan, kaalaman nadagdagan
ako’y masayang umuwi agad nang tahanan
may arroz-caldong naghintay sa tahanan
sa pasukan doon ako mataas na paaralan
ang tungkol sa batang valedictorian
ano nangyari, sa sunod na lang tulaan
Sa pagkakaupo noon ay tinawag
Akin ngang pangalan, hudyat sa paglakad
Tungo sa entablado; At sa pagtapak
Aking nagunita, nang sa panlakad
Ang mata’y natuon, sapatos na suot
Dagling nasilayan, suwelas ay upod;
Bawat sira ay may ala-alang dulot.
Oras ay tumakbo, pabalik ang agos –
“An-anusam anak ‘ti panag-ad-adal
Nu agtrabahon ket pagsaganaam,
Baro nga sapatos tapno makagatang
An-anusam anak, panag-adal layngam…”
Nasabi ko na lang: “Opo, inay…”
Hindi ko natapos ‘pagkat mata’y hilam.
Ang luha’y umagos, nawalan ng saysay
Pagpipigil nito, daloy walang humpay.
Nag-aral mabuti, puyat walang udlot
Arali’y matapos kahit walang tulog;
Saksi ang sapatos sa bawat pagsubok
Na pinagdaanan, ito ang siyang suot.
At sa paglipas nga ng mga panahon
Nakarating ako sa araw na ito;
Sa pagtatagumpay ika’y nalulugod
Tatanggapin ngayon, isang patotoo.
Itong katibayan aking aabutin
At sa pagtawag sa akin ngang pangalan
Aakayin ka at sabay nating kukunin
Itong karangalan – ating karangalan!
Inay, nauupod itong sapatos na suot
Sa gitna ng daan agad napupudpod;
Ngunit iyong gabay ligaya ang dulot,
Iyong pagmamahal, siyang lakas ng loob;
Ilaw na dulot mo walang kasing tulad
Tiyak bawat hakbang kahit sa’n mapadpad –
Daig ng mga ito anumang pangyapak
Hindi nagmamaliw at tibay ay sapat!
mapalad ang matanda buhay masaya
pinaghandaan panahon ng pagtanda
noon kabataan hindi naging pabaya
kaya ngayon damdamin puno sa tuwa
pagtanda ay hindi dapat katakutan
biyayang ipinagkaloob pasalamatan
suklian kabutihan sa nangangailangan
unawa malawak kahit may kapintasan
kumalog man baba huwag lang diwa
magandang nilalang sa balat ng lupa
kulubot sa pisngi’t nuo tunay magara
tanda sa panahon landas nakikibaka
maraming mga pangarap anak inuna
kinabukasan pinag-ipunan inihanda
ginawang haligi pundasyon simula
pag-aaral itinaguyod anak na punla
busog sa pangaral matibay kultura
magalang sa matanda maging sa kapwa
mga anak binigyan magandang simula
handog sa paanan ama’t ina diploma
sa matibay na simula kahit tumanda
ang panahon lilipas bakas sa mukha
ikaw igagalang dahil binigyan halaga
si impo ingkong pinagpala garaduate na
1957 nagtapos ako ng elementarya sa bongabon central elementary school. validictorian ang batang babae na tumawag nang aking pansin sa murang kaisdipan. may tuwa akong nararamdaman kapag siya ay pinagmamasdan. ang pagkabwisit ay hindi maiwasan dahil sa inaakala kong kanyang kayabangan. ang batang babaing ito ay hindi ko nakausap kahit na kami ay magkaeskwela. pagkatapos ng klase sa hapon ay kailangan umuwi na sa bahay, na siyang utos at kabilibilinan ni inang.
ang aking ama ay isang karpintero at ang aking ina ay isang maybahay lamang. ang mga magulang ko ay may tindahan sa pamilihan bayan ng bongabon. kung paano sila nagkaroon nang puwesto sa pamilihan bayan ay nalaman ko sa pamamagitan nang tahimik na pakikinig sa kuwento nang aking mga magulang kapag mayroon silang panauhin o bisita.
mayroon daw silang sampong sakong palay, kung saan ito galing ay hindi binanggit–siguro bigay nang aming lolo. .pinag-usapan nila ng akin ina kung ano ang marapat gawin. sabi nang aking ama, ang sampong sako nang palay pagdating nang disyembre ay siguradong ubos sa pagkain, ano kaya’t magtinda ka sa palengke, igawa kita ng lamesa na paglagyan mo ng iyong mga paninda. sa madaling salita, nagtinda si ina sa palengke at si ama ay nagpatuloy sa kanyang gawain bilang karpintero. sa suweldo ni ama kukunin ang lahat nang pangangailangan. ang kita nang maliit na tindahan ay hindi gagalawin kahit na isang sentimo. hindi naiwasan na si ama ay pasumandaling naiwanan bantay nang mga paninda. dumating si ina at kita niya ang kamay ni ama na padukot nang kendi si ama sa garapon na kaagad naman binawalan ni ina. walang bawas ang kita at paninda ni ina. dumating ang disyembre ang lamesa ni ina ay naging dalawa at dumami pa mga paninda. patuloy itong lumaki at kinilala na isang nagtatagumpay na negosyante sa pamilihan bayan nang bongabon. si ama ay tumigil na sa pagkakarpintero’
1956 pumunta si ama sa mindanao upang alamin kung ano mayroon sa mindanao. 1958 lahat nang paninda kasama ang mga puwesto ay ibenenta at ang pamilya ay tumulak sa mindanao para sa isang pangarap na inaasam. buwan ng abril nang dumating sa dadiangas at tumuloy sa marbel buwan ng mayo. nagtayo nang isang panaderya ang aking ama.
ako ay katorse anyos second year high school sa pasukan nang taon 1958. na enroll ako sa notre dame of marbel boys department na ngayon ay isa nang universidad. nagtapos ako nang high school taon 1961. napunta ako nang maynila at kumuha nang kursong business administration na siyang gusto nang aking mga magulang. salungat sa nais kong kunin na agriculture.
sa universidad, may isa akong professor na nagbigay nang isang pahayag katanungan. ” kayo ay narito sa maynila upang mag-aral. tinutustusan kayo ng inyong mga magulang upang makatapos sa inyong pag-aaral. kaya ba nyong mag-graduate sa kursong iyong kinuha? kung hindi nyo kaya, ano ang ginagawa nyo dito sa maynila? inaaksaya nyo ang inyong panahon, ang panahon nang inyong magulang. ang pera na kanilang ipinapadala ay mawalan nang saysay dahil hindi nyo maiuuwi ang diplomang inaasam nang inyong magulang. ang masabi ko sa inyo at bilang payo. hindi mo kayang tapusin ang iyong pag-aaral umuwi ka sa inyo at umpisahan mo nang kumita nang pera at mag-ipon upang nang sa ganoon ang mga naiwanan dito ay magkaroon nang trabahong mapapasukan pag sila ay nakatapos na. mauna na kayo sa pagkita nang pera kaya umuwi na kayo at magsimula”
not the exact words but the essence is living in my memory. i buy books i need, the titles are: small business; advertising and economics. sakay ng eroplano umuwi ako sa marbel at tumulong sa panaderya nang aking magulang. ako’y muling bumalik sa maynila upang mag-aral nang makabagong sestema nang paggawa nang mga masasarap na uri nang tinapay. ito ay natapos ko at ito ang nagpabago nang takbo nang aking buhay. napakahalaga na mayroon kang pinag-aralan at ito ay nagamit mo sa iyong buhay upang makapaglingkod ka sa iyong bayan.
ang tungkol sa batang babae ay sa susunod na kabanata
mahal kong anak kahit hirap, itinaguyod
iyong pag-aaral. kinabukasan mo nagbunsod
sa amin nang iyong ina. ngayon may lugod
nakatapos ka, bunga ng aming hirap pagod
anak iyong pakaingatan mga natutuhan
gamitin wasto upang lalong pakinabangan
may kalasag magamit laban sa kahirapan
mga kakaharapin sa pakikipagsapalaran
kami nang iyong ina umaasa aming apo
labis na pagdarahop sa kanyay malayo
sa handa namin asin at lugaw matoto
kami ang lugaw at asin sa buhay mo
ngayon palang magsisimula kinabukasan
mga paghahanda tagumpay mong nalampasan
dampa nang magulang pag-asang mapalitan
asin at lugaw hindi maaaring kalimutan
kaya asin lugaw ikahiya di dapat
ano ang nakakahiya sa asin at lugaw
dahil sa asin at lugaw kuha tagumpay
magulang tuwa, anak tapos sa pag-aaral