Piknik sa Tag-Init

_Halina at tayo’y magpiknik
Sa bukid, sa tabing dagat o resort
Lalo na ngayon ang panahon ay tag-init
_Dahan-dahan sa isda at baka matinik

Ang pamilya, barkada at sinisinta
Nagpaplano na magsama-sama
Mga bata, mga estudyanteng naglilimayon
Naglipana, panay ang gala, sinasamantala ang bakasyon

Pero paalala, panahon rin ng Semana Santa
Ginugunita rin ang ibayong naging hirap NIYA
Upang nang sa ganon mailigtas ang ating mga kaluluwa
Upang hindi lang sa lupa tayo maging masaya

_Sobra na ang init ano? hindi katulad nong’ araw
Ngayon, sa heat stroke mag-ingat raw tayo
_Pero noon, mag-ingat lang daw sa bungang-araw
Ang alam kong nahe-heat stroke lang noon ay kabayo

Hala, ilabas na ang tubig, lahukan ng melon, asukal at yelo
Magsalo-salo na nagbabatian ng “Helo”
Pangasin ang patang lechon, tikman ang ginatang tilapia
Habang sasayaw si Neneng na nakasuot ng bakya

4-11-14
Gf (ako rin to si Gf, always)

Saludo sa Kubo

Itago man, mabubuk么
tadhana’y hindi nagbir么
pitong daan at tatlump么
noo’y putok pa sa buh么.

Tulala pakalat-kalat
iniluwa nitong dagat
inunang laya inunat
sa kalsada sumusulat.

Hanggang mapadpad sa kubo
labing tatlo magpapasko
mga pantig estimado
napasalo sa parnaso.

Piping saksi itong dulang
sa may wangis na aklatan,
doon ay pinagsaluhan
mga tulang maiinam.

Unti-unting namumukod
ehemplong dito nahubog
kay ligaw paanod-anod
balingkinitang taludtod.

Karangalang nakapiling
ang bangis ng isla talim
katipunerang malambing
at mga gurong kay galing.

Maaliwalas, kulimlim
bubong kang handang tanggapin
ang bayaning hayag, lihim
nang mangaylangan ng lilim.

Ngayong magdadal’wang taon
saludo sa kubo, layon
ng akdang binabalumbon
papuri sa Panginoon.

D2 Na Me

~~~
d2 na me
wer na u hon?
~~~
bhay ka
na ba ‘nak?
“work pa po Pa!”
~~~
s’an ka ngayon?
d2 pa me, sa byan
ng culi2… 馃檪

Agos

Patuloy ang agos ng panahon
humihigpit ang mga paghamon
tumataas habang lumalaon,
kaya kailangan na bumangon.

Oo, may magbabago sa taon
maliban sa pagbagsak ng kwiton,
tiyak na magaganap ang layon
kung ibibigay ng Panginoon.

Ang Puso Ko

Itong puso
ay puno ng pananabik
alab ng palakpak
ang kanyang ipinipintig.

Alab ng salitaan
ay kumikiliti sa puso
wari ay sa labi
dumudunggol-dunggol ang nguso.

Kapag kita ay nagtagpo
mga mata ko ang mangungusap
masdan ako at masdan ang aking alay
makikitang sa pagitan ng aking mga labi
naroong nakaipit ang tatlong tangkay na rosas !

Luanda, Angola
11-Aug-12

Nganga

Brap badap barabadabap…
tumapat sa ‘sang tindahan,
tambol ng namamalimos,
na animo nanggugulat
sabay binigkas ang NGANGA!
Wala! sabi ng tindera.
NGANGA! ulit pa ng mama.
Pareho lang tayong NGANGA!
sambit naman ng tindera.
NGANGA! sa pangatlong ulit
anas ng mamang makulit.
Tindera’y napasimangot.
Kaya umalis ang mama
sabay sigaw ng MADAMOT!

Pulbor贸n

T’wing magbabagong ta贸n
no贸n hanggang sa ngay贸n,
buong mundo ay lul贸ng,
bayan hanggang sa nayon,
bal贸t naka balumbon
sa masangsang na pulbur贸n;

pulbura rito, pulbor贸n!

Ako ang Christmas Tree

Ako ang christmas tree

Lagi akong hapi

Araw man o gabi

Ilaw, patay-sindi.

Ako ang christmas tree

Never akong lonely

Borloloy ko鈥檡 鈥榙ami

Iba-ibang korte.

May korte regional

Korte municipal

Korte na espesyal

At higit sa tanan,

Ang korte suprema,

Keso, margarina,

Pandisal, galyeta,

Sa notse-buwena.

—聽

Pag b鈥檞ena-mano ka

Nakakadonselya

At sino si Selya

Ni Kikong Bigaa?

—聽

At si Pangilinan

Ay Kiko rin naman

Ngunit ang kikoman

Sa聽聽ulam聽 聽sawsawan.

—聽

Sawsawan na puno

Halo鈥檡 halo-halo

Pag Pasko鈥檡 dumapo

Iihi ang nuno.

—聽

Nuno na magaling

Sa sala鈥檡 piguring

Higante鈥檛 maningning.

Maamong kerubin,

—聽

Si Robin humudyat

Kay Asyong Salungat –

Puro lang palabas

Sa 鈥榢ing nagmamatyag.

—聽

Laging nasa sala

Sa gabi鈥檛 umaga.

Krismastri, sino pa?

Regalo鈥檡 sa paa.銆銆

Sa Pasko, Gloria

Saan ka man magpapasko, sa ospital o piitan,

Umasa kang sasamahan ka ng sanggol na si Hesus

Kagaya ring naroroon Siya sa lahat ng lunan

Na iyong kinalimutan nang ikaw鈥檡 nasa tugatog.

—聽

Nang kayo ay nagsasaya sa bulwagan ng Palasyo

Ay sinamahan ni Hesus ang mga nasa tambakan;

Habang kayo鈥檡 nabubundat at nasa palad ang mundo

Kasalo Niya sa mumo ang kumakalam ang tiyan.

Noong iyong kaulayaw鈥檡 halos hindi mo mabilang

Ay sinamahan ni Hesus ang ulila鈥檛 nangalugmok

Na lumbay lang ang kapiling at pag-asa鈥檡 di matanaw;

Silang di mo alintana, o ganap mong iwinaksi

Na may mga pangarap din na umasenso ang buhay,

Mga paslit sa isk鈥檞ater, manggagawa鈥檡 makasaksi

Na pawis ay may katumbas sa makataong lipunan.

—聽

Sa Pasko, Gloria,

Sasamahan ka ng batang si Hesus na鈥

—聽

…Na hindi kayo nagkakalayo ng size!

Buffet Grande sa Wika

Wait a minute,

Kapeng mainit.”

Hello,

Bilubilo.

Good morning

Dinoradong kanin.

Quo vadis

Siopao at mami.

La dolce vita

Chicken afritada.

Kampai

Kalamay.

Nakupenda

Hinog na papaya.

Arrivederci,

Kare-kare.

Au revoir

Kilaw na tuna.

Salam

Grape jam.

Hasta la vista

May hibing聽miswa.

Merci beacoup

Sagong may yelo.

Buenos dias

Special聽pastilyas.

Ped xing

Pritong saging

Sa shtick.

Panaginip Sa Duyan

Ang panaginip ko’y isang kabayong molang

Taguri’y Santiagong may aserong bagwis,

Ito’y sinasakyang simbilis ng lintik

At nabibihisan ng gintong aranya.

 

Kahit anong atas ako’y panginoong

Kanyang sinusunod simbilis ng bala,

Tulad noong minsang aking naalala

Ang sintang minahal na naglilinggatong.

 

Ngunit isang iglap bigla ring nawala

Ang aking kabayong sobrang pagkaputi,

Lipos pagkalumbay at panalamhati

At ako’y sugatang balisa’t tulala.

 

Kaya nagtitiis sa dinuyang lambat

Na paro’t parito lambayog ng lipad.

Si Felimon C. Felimon

Si Felimon C. Felimon

Mister ni Abby B. Duya

Sila ay may nililitson

Na munting guya ng baka

Sapagkat may kasayahan.

Marami ang imbitado

Kaibigan nila鈥檡 milyon

May matino鈥檛 tarantado;

Naglagay ng dekorasyon

Sapagkat may kasayahan.

Dumating si Johnny B. Goode

Si Rico J. Puno, pati

Si J. Roilo Golez, 鈥榮unod

Sina Mom D. at Lorna T.

Sapagkat may kasayahan.

Marami pa鈥檔g dumarating

Ang hapag ay nangingiwi

Minuto pa鈥檡 kakapusin

Madlang gana鈥檡 sumisidhi

Sapagkat may kasayahan.

Si Felimon C. Felimon

Ang asawa鈥檡 sinimplehan:

鈥淢ay istak ba tayong salmon?鈥

Ang sagot: 鈥淪a karagatan

Ay may isdang tambasakan.鈥

Si Felimon C. Felimon

Namingwit sa karagatan

Sapagkat may kasayahan.

Kaya Pogi ang mga Pulitiko

Kaya pogi ang mga pulitiko

May mga nakatabi ritong 鈥榤onyo

Kahit bakulaw nagmumukhang Enchong

Kapag聽 may tsonggong dito ay amuyong.

Di na mapapansin ang kanyang anghit

Kapag nakataas ang isang bisig

Dahil nadaig pa ng umagapay

Na miron na kilikili鈥檡 masangsang.

Kung pulitiko鈥檡 ngiting di sinsero

Katabi鈥檡 kadalasang ngising-aso

Na nagsisiwalat ng dadambungin

Kapag nakaloko ang kanyang bosing.

Kaya naman pulitiko鈥檡 kalabaw,

Di dahil masipag kundi may langaw.

Maws vs Monitor

Yakap

ako lagi,

pero ang ‘yong mata,

parating sa iba naka

titig.