lambing sa altar

umuusok ang silim

tubod na bangkay

pinupukaw ng hangin

Bana

Mga brasong putol
na may bandanang itim
pinaso
sinunog
inalay sa hangin;
ilang kabaong pa ang kaya kong hithitin
hanggang mapasayaw
ang usok sa dilim?

Bulung-bulungan ng mga gusot na mukha
Kelan ba? Tagal naman.
Maganda pa naman sana.
Baka mapili. Baka may ugali.
Baka amoy kanal ang paa.
Baka masyadong matalino.
Baka masyadong maganda.
Matapang masyado.
Baka matalas ang dila.

Kausap ang sariling gunita
Huminga mula swelas
Hanggang kaluluwa–
Baka totoo.
Bawasan mo kaya?
Baka kulang ka pa?
O muli, sobra na.

Sumipol ang hangin ng mga ngusong sabik
Ano ka ba?
Kung sa sugal, ikaw ang winning streak.
Kumbaga sa kotse, top of the line.
Kumbaga sa mga diosa, divine.
Kung akin ka lang sana, tapos na ang SDE.
Hindi sa SM ang shopping, sa Duty Free.
Kung akin ka lang sana, breakfast in bed, tula ni Neruda, sundo, hatid,
bukas-kotse kahit hindi kawatan,
tama na ang dramarama sa hapon
hindi siya kawalan.

Nilunok ang sipon
na sa nikotina’y mapait
Hindi ko kailangan ng apelyidong ikakabit
Hindi ko kailangan ng pag-aalay sa altar
Hindi ko kailangan ng permanent scars.

Minsan ngumanga ako
isinubo ang pride

bumula ang bibig
muntik mamatay.

02 July 2015
Dahil ang pag-aasawa ay nakakatakot.

warship ang nipad

aliwalas sa langit

huni ng uwak

gabi na mina-anib

wilming ang yumao

binabayo ng hangin

luntay na kubo

nakisandal sa tikiw

may dayo ng avatar

sinalansan na bato

pansol sa hukay

itinuntong ang templo

may waglit ng ilap

hamak ang matalahib

gabay na ahas

umaluyan sa lubid

may ilawod na pampang

hinalukay ang agos

bagsak ng ulan

lumapag sa malumot

may taghoy ang lagos

napupuyog sa ambon

paa ng bundok

kanta na dumaluhong

may duda ang kutob

ginaganyak ng vinta

layag na haplos

pumalaot sa sigwa

may kimkim ng hikbi

binabawi ang nimdim

dilag na puti

umaninag sa lilim

may yakap ang palumpon

kubol na naglagablab

hinga ng apoy

lumanta sa bulaklak

may yakap ang palumpon
kubol na naglagablab
hinga ng apoy
lumanta sa bulaklak

Batu-batong Langit

Pag ang gutom tumawid sa yaman

ang hapdi hindi kasingtindi ng

kung ang may dama’y walang kadluan

ng alalay sa hiwatig pa lang.

 

Subalit kahit mga upahang

karampot ang kita’y may lungkot din

kung sa gitna ng pagod susugod

sa kanilang pugad mga haring

 

dagdag na abalang  di masaway

pagkat hinay nila’y walang bibig.

Sila ang siyang sanhi ng kamayaw

ng pagdating ng paghuhumindig

 

noong may taglay na karapatang

ilagay sa baba nila sila.

Di lang sila moog ng parokya

bukas-palad pa ayon sa kwenta.

 

Kaya ang galit ay nasa lugar

kung ang hangin ay mag-amoy isda

at isip ay itulak na lubha

upang muling hanapin ang singaw.

 

Itinambad ng siyasat pawang

walang katibayang sapat upang

ang malisya ay kunin sa dasal

at iligtas ang diwa ng banal.

 

Singlinaw ng krus ng bagong buhay

mula sa pighating walang humpay

hindi sapat mandin ang patawad

bagong hirap sa dusa bababad.

Birtud na Kasipagan

“Basta’t masipag ka,
Yayaman ka,”

5-12-15
7:50 n.g.

tag-hosanna sa waling

sinaliw ang umaga

lagas na kuntil

halimuyak ng narra