Tena sa Tanka

Ang tanka (Nihonggo na ibig sabihin ay maikling awit) ay modernong salin sa waka (awit na Hapones), tradisyunal na anyo ng tulang liriko na umiiral sa bansang Hapon may 1300 taon na ngayon.
[Read more…]

Tanka Trip

Tanka (Nihongo for “short song”) is the modern name for waka (Japanese song), the traditional form of lyric poetry which has been in existence in Japan for over 1300 years.
[Read more…]

Sakay na sa Biyaheng Tanka

Ang tanka ay isang kategorya ng literatura na gumagamit ng dalawang uri ng panulat – berso at prosa. Nagsimula ito sa mga manunulang Hapones at nauna sa isa pang porma ng panitikang Hapones, ang haibun (kumbinasyon ng tanka at haiku).
[Read more…]

Cinquain: Subok na Salin

Sabi ng kapwa ko Bikolano at dalubhasa-sa-haikung si Rey de Vera, mahirap kung minsan isalin sa Tagalog ang Ingles na piyesa dahil sa humahaba ito at nagiging problema laluna kung may sukat ang tula, gaya ng haiku, senryu o tanka at, sang-ayon sa situwasyon ng partikular na rengang ito. [Read more…]

Ituloy ang Rengahan

Muling manggigising ang aking harana
Sa kamakata kong nasa EMANILA
Poetry. Ibalik po kayang masigla,
Ang naliligtaang napatid na Renga.

Maraming makatang dito’y nag-aabang
Upang ang taludtod at mga saknunga’y
Muling ipalingging sa ating dapugan
Upang bumalikwas ang personang himlay.

Merong mga bagong makatang magaling,
At meron ding antik sa tula’y humaling
Na humaling kaya gigisingin natin
Ang diwa’t personang lalambi-lambitin.

Kumbaga’y sa tv… Ako Ang Simula!
Upang umalagwa ang Rengaha’t tuwa,
Lalo at lalahok ang bago at lumang
Makata ng liping hindi nagsasawa.

Sagot ang sasagot kung hindi o tuloy
Itong sinimulang Renga’t mapadaloy
Na nating tuluyan.Alahoy! Alahoy!
Heto ang dugtungan: Meron bang ELEKS’YON?

Sevenling (Kasalanan)

Ang sevenling ay isang uri ng tulang may pitong linya. May halimbawa sa Sevenling/Rengahan, English version.

Mga panuntunan:

Ang unang tatlong taludtod/linya ay may tatlong elemento – tatlong pangungusap na magkaka-ugnay o magkakahiwalay, o tala ng tatlong detalye, pangalan o posibilidad. Gayundin ang susunod na tatlong linyang maaaring tuwirang kaugnay o kasalungat o walang kinalaman sa naunang tatlong taludtod. Ang pampito at huling linya ang magsisilbing buod o suma ng naunang mga taludtod. Dahil sa maikli ang tula, walang takdang sukat ang sevenling bagamat makabubuting bigyan ito ng ritmo, metro o rima. Upang mabigyan ang tula ng madaling pagkikilanlang anyo, dapat itong buuin sa dalawang saknong na may tatlong taludtod at isang natatangi at pampitong huling linya. Ang sevenling ay pamamagatang gayundin kasunod ng salita o mga salita sa loob ng panaklong. Maaaring gawing misteryoso, ‘di-pangkaraniwan o nakababalisa ang huling linya, pagpapahiwatig na isang parte lang ng istorya ang isinalaysay. May taglay na kalidad ang tula na nag-aanyaya sa mambabasang manghula.

Batay sa pakikipag-ugnayan ko kay Tata Raul, walang eksaktong salin ang sevenling sa Pilipino/Tagalog kaya iyon din ang gagamitin natin. Dagdag pa ni Tata, magiging mapanghamon ang aktibidad kung gagawing Pituhan (isang umiiral na anyo ng likas na tulang may pitong pantig) ang bawat taludtod o linya, bagamat hindi ito sapilitan.

Sakay na.

 

Ugali niyang ngumisi,

magpakalasing

at malunod sa kahit anong babae.

 

Ganoon ang kanyang pagkamanhid

sa kahihiyan at kawalanghiyaan

muntik na siyang mailibing.

 

Hanggang sa Roma at si Rasputin.

Sevenling

Greetings to emanilapoetry enthusiasts. From the success of the cinquain train, sijo ship and haiku helicopter (awaiting darkdatu’s conversion), I am inspired to introduce yet another poetry form, the sevenling, which is a poem of seven lines inspired by the form of this much translated short verse by Anna Akhmatova (1889 – 1966).

He loved three things alone:
White peacocks, evensong,
Old maps of America.

He hated children crying,
And raspberry jam with his tea,
And womanish hysteria.

… And he married me.

                        tr. D M Thomas From Selected Poems (Penguin) 

Rules:  The first three lines should contain an element of three – three connected or contrasting statements, or a list of three details, names or possibilities. This can take up all of the three lines or be contained anywhere within them. Then, lines four to six should similarly contain an element of three, connected directly or indirectly or not at all. The seventh line should act as a narrative summary or punchline or as an unusual juxtaposition. There are no set metrical rules but, being such a short form, some rhythm, meter or rhyme is desirable. To give the form a recognizable shape, it could be set out in two stanzas of three lines, with a solitary, seventh last line. Titles are not required. A sevenling is entitled “Sevenling” followed by a word or the first few words in parentheses. The tone of the Sevenling should be mysterious, offbeat or disturbing, giving a feeling that only part of the story is being told. The poem should have a certain ambiance which invites guesswork from the reader.

Here’s my take:

 

Sevenling (Sin)

 

He loved to grin

and swill vats of gin

and make out with all kinds of queen.

 

Such was his numbness

to shame and heartlessness

he almost broke the record for duress.

 

Until Rome and Rasputin.

 

With your support, the Sevenling Ferry is all set to sail. All aboard?

Sijo – Break-up

This is an open invitation to those who are bold enough to try new forms of poetry. Actually a response from darkdatu, one of the enthusiasts in the Cinquain thread, this hopes to generate as much positive “riders” as the “train” did and a more cooperative dynamic on the site. Those who are inclined to use our native language may post their pieces at “Sijo – ‘Di Bagay”. It is also worth-noting that a fellow Filipino, Victor P. Gendrano, offers this link for a more detailed peek into the originally Korean poem http://www.geocities.com/vgendrano/sijo.html. The Sijo Ship is set to sail, jump on in.

“If I can’t handle your worst
I do not deserve your best.”

She did not sniff like a bitch.
He was not built true to plumb.

She could have put up with him but
he haunted like Hamlet’s father.

Haiku Helicopter – Midnight

This post has been moved to the rengahan section upon advice of the impeccable Ham – It may be a traditional or non – traditional haiku whatever the poet prefers as long as we keep the chain going

Haiku 7/3/09 – Midnight

Night’s song has lulled all

Life’s become a still photo

I, the sole viewer

Sijo – ‘Di Bagay

I’m inviting my fellow cinquain enthusiasts and the others who may be similarly inclined to join this serendipity of sorts (given that blueangel agrees). The cinquain train is happily rolling along, let’s venture onto another ride.

Originally Korean, Sijo is a basic verse of 44 to 46 syllables in 3 lines (of 14;14;16) or 6 lines (of 7; 7; 8) which has a beginning, a development and a twist in the end. Since I am not an expert on the form, we can be lax with the rules for as long as we maintain/don’t exceed the count and/or come up with consensual modifications along the way. I chose the 6-line format because it is less constraining. For more details, please look up http://www.geocities.com/vgendrano/sijo.html.

“Kung ‘di kita mabago

‘di ako bagay sa ‘yo.”

Hindi siya harot, katipo

sana ng sariling kulo

lamang ugali niya

pabantay-bantay ba.

A “Cinquain Train”

Same rules as the rengahan.
The following poems should be in
‘cinquain’ form.

The previous entry was written by
ham8113:

Crying,
you said you hate,
because it reminded
of rain, and I retorted I
LOVE IT.

(No proposed ‘theme’ yet like the one done
 in Lambingan Renga)
===============

LOVE IT
how the stars shine
above the sky tonight
Love it most because ’tis you why
THEY’RE BRIGHT.

Doon Po Sa Amin Renga

book signing

Habang naghihintay tayo ng iba na magsisimula ng panibagong thread dito, naghagilap kami ng iba pang paksa. Nahalungkat namin ang ilang mga kinatha nila Tata Raul, Ka Ezzard, Carlos C. Huelma, Fermin Salvador, Don Belardo, Willie Bongcaron, Rowan Velonta at iba pa na napalimbag dito sa emanilapoetry noong taong 2005.

Maraming magaganda tayong maaaring gawing rengahan. Pero, nilimitahan na lang namin ang pagpili sa kategoryang “Magsaya Tayo.”  Nandito ang ilang linya mula sa “Doon Po Sa Amin” ni Ka Ezzard.

Bahala na kayong  rengahan ito. I-post ang inyong renga sa comments box sa ibaba nito at huwag gamitin ang inyong control panel. // Team Emanila

—–
Renga # 1

DOON po sa amin baryo ng Talisman
Ang mga agimat ipinagyayabang
Lalo’t kapag Biyernes nang mahal na araw
Iba’t ibang dupil nagpapaligsahan
Kanya-kanyang galing ang pinupurbahan
May nagbabarilan, may nagtatagaan
Matapos bulungan at saka dasalan
Mga batong butil, kalmen, at larawan!

Doon po sa amin sa baryo ng Ngatain
Inuulam lahat ng puedeng kainin
Salagubang, daga, pati sawang bitin
Palaka at musang, at paniking duling
Bayawak at unggoy, tipaklong at tikling
Susuhong at pagong, bagaswa ng kambing
Beleta at tambong, at kabuting itim
Kung walang-wala na’y aso na GUSGUSIN.

Lambingan Renga # 31

KAHOY itong kalambingan tuwing aahon sa bundok

Panggatong na maliliyab ang gapok na mga tuod

Habang yaong kabarkada’y nangangalap nitong uod

Sa pugad ng mga ibong may sisiw na nangagyupyop.

Kahoy itong pasan-pasang tila parusa ng Diyos,

Araw-araw na kakani’y hirap na ipagkaloob;

Ngunit ito’y naging hamon upang ako’y pumatuktok

Nitong labang kahirapan sa daigdig nitong agos.

Kahoy din ang ginamit ko sa paglilok nitong buhay,

Tinataga kong malakas upang ito ay bumuwal;

Agad itong kakalisa’t igagapos nang matibay

Upang ito’y maging pera…ilalako ko sa bayan.

Kahoy din ang naisangkal sa digmaang ubod hirap,

Noong ako’y namumuklo sa sintang pinapangarap;

Naging kahoy na pambakod ang barkadang magigilas

Upang itong napusua’y walang ibang mangungusap.

Kahoy din ang hinilingan kung araw ay papakiling,

Sa isang Sakromaderong si Kristo ang nakatingin;

Ang wika kong dinarasal na kagyat kong hinihiling:

Itong buhay kong hiniram ay Kanya na kung kukunin.

At kung ako’y mauutas ako’y isilid sa kahoy,

Idaras ng isang lunday at gawin ninyong ataul;

Ang isulat sa lapida walang iba kundi: “RAUL,

ESKULTOR AT MANGINGIBIG , MAKATA HABANG PANAHON.”

Lambingan (Renga 30)

PAGMAMAHALAN din; Kahit nangulila
sa nagluksang sangang pook na tipanan.
At sa panganoriy laging umaasa;
magbabalik muli ang mga nagdaan.

Noon ay kahapong binuo ang pugad
sa labay ng sangang bumasbas ng lilim.
At sa papawiri’y sabay kung lumipad
magkayakap naman sa gitna ng dilim.

Sa binuong pugad siyap ay narinig
ng magkasing ibon na lalong nagbuklod.
Sa mga musmos pa’t matinis na tinig
na ang mga tuka’y may handog na lugod.

Ngunit isang araw nang irog ay nasa
parang at galugad ang biyayang-bukid,
sa puno’y humaplit ang sungit ng sigwa;
pugad ay naluray, siyap ay napatid!

Irog ay nasaan? Tiyap ay lumuha
habang tinatanaw ang ulop at dagim.
Sa dinadapua’y lumbay ang bumaha
na ayaw humupa nanaw man ang dilim.

At sa araw-araw, laging naghihintay
ang nagluksang ibon, sa kanyang kabiyak.
Araw ma’y magkubli, araw ma’y sumilay
sa pagkakadapo’y patuloy ang iyak.

Hanggang isang araw sa palad ng lupa
sa daliring ugat ng punong nanaghoy.
Doo’y nakalugmok ang ibong kawawa
sa kamay ay tangan ang tuntungang kahoy!